Chapter 15: Isle of Love

3.2K 114 3
                                    

VIENNA'S POV:

          NAKADALAWANG katok ako sa bahay ni Ada bago ito buksan. Ang lamok sa pa sa labas, kainis.

           "Mahangin ba sa labas o sa loob?" inulit ko ang tanong kay Cielo.
           "H-hindi, galing ako sa sofa, nakatulog ako."

            Pag-upo ko sa isang sofa ay nasa kusina na si Ada at nagtimpla ng juice.
First time kong dumalaw dito sa inupahan ni Cielo for Ada.

            "Maayos naman pala ang lugar," sabi ko sabay ligid ng tingin sa kabuuan ng bahay. Isang palagpag lang naman, madali imaintain.

           "Idinaan ko lang itong bag ni Ada, may klase siya bukas eh."
           "Salamat," sagot ni Ada.

           Napansin kong lihim na nagnanakawan ng tingin itong dalawang 'to.

            "May tinatago ba kayo sa 'ken, ha Indeng?
           "Wala...ano naman?"
           "Parang may something eh. Anyway. Hindi na ako magtatagal eh, sasabay ka ba pauwi? May sasabihin din ako sa 'yo."
           "Actually, pauwi na ako. Salamat nga a-at nagising mo ako sa katok mo."
          "Antayin na lang kita sa kotse?"
          "Hindi na, sabay na tayo. Ada, ahhhmmmm..tawagan kita pag uwi ko, okay?"

          May dalang kotse rin si Cielo. Kinausap ko muna siya saglit.

            "Cielo, sandali....
             "Huh? Mamaya na tayong dinner mag-usap."
             "Ngayon na..."
             "About what?"
             "We're leaving the day after tomorrow. Close ang salon ko muna ng isang araw."
            "Explain further."
             "M-mag-babakasyon ako with Sallie, Aubree and Geela, five days."
             "Quezon?"
             "No...Somewhere south."
              "So....."
              "Close ang salon ko for six days, kaya timing na umuwi ka na for Ada."
              "No problem, kargo ko naman talaga siya."
              "Biglaan ang bakasyon, hindi na kita inabala pa, aykong may masabi ka sa amin."
              "Wala 'yun, alam mo naman ang focus ko ngayon."
              "Yah I know."
              "So, are we done? Dinner later?"
              "Ok sige, pero wala ka bang ipagtatapat sa akin?"
              "About?"
              "Kung bakit mahangin sa labas?"
              "Wala! Ano ka ba! Nakakapikon 'to.."
              "Bakit guilty ka?"
              "Wala nga...."
              "Gusto mo ako pa magsabi sa yo? C'mon..."
              "Eh ano ba 'yun kasi?"
              "Tatag mo Cielo ha...o sige, gusto mong sabihin ko na gusto mo si Ada higit sa ano pa man?"
            "Ano?"
            "Napansin ko na nag kakaiba mong tingin sa kanya. Ciel, it takes one to know one. Maybe by now, hindi pa lumalabas pero soon."
            "Meaning?"
             "So...do you like Ada?"
            "Hindi...oo...hindi ko alam...ewan ko."
            "The way you stare at her, iba Cielo. You deeply care at nagseselos ka kay Jandy, right?"

         Hindi siya makasagot. Pansin kong nalilito siya sa mga sinasabi ko.

             "Gusto nga kitang sabunutan, kay Sallie puro lang kami loko, ikaw...nauna ka pang maka score kaysa sa 'kin. ."
           "Bek bek! Bunganga mo nga!"
           "So...how's the kiss?"
           "What!?!"
           "Cielo, ang magulong buhok puwedeng sabihing mahangin sa labas, ang gusot na damit puwedeng nagusot sa pagkakahiga,pero hindi mo maikakaila ang bahid ng lipstick mo sa sulok ng bibig ni Ada."

Cielo blushed. "Bek...."
           "It's okay honey...it's okay. Sabi ko naman, naiintindihan ko. Ako pa?!"
            "It's not what you think Bek, hindi..hindi ako ganu'n na iniisip mo. Nadala lang ako....'yun lang yun."
            "Well...tsk, just take it easy friend..."

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Where stories live. Discover now