The Reason

3.7K 44 17
                                    

Claye's POV

 

I already told Sean about the contract. At first, ayaw niya. Nagalit pa nga siya sakin kung bakit ako pumirma. Kanina lang daw ako pumirma, pagkatapos ngayon lang ako nagpaalam sa kaniya.Pero I don't have any choice. Sabi nga ni TYler, wala akong magagawa. Kukulitin at kukulitin pa din naman niya ako kung hindi ako papayag. Kaya wala na ring nagawa si Sean.

Sean: Ingat Sweety!

He kissed me on my forehead. Ang awkward nga ng situation namin.Nagpapaalam ako sa boyfriend ko para sumamasa ex boyfriend ko. Isn't it funny?

Sean: Keep in touch okay?

Claye: Yup. I'll text you as soon as I get there. 

Actually,hindi naman kalayuan bahay nina Tyler eh. You can go there by car. Pero si Sean kasi alalang alala eh.

Tyler's POV

Nasa bahay kami ni Claye. Hinihintay na matapos siyang magpaalam sa boyfriend niya. 

Zeke: Why don't you tell her the truth?

Tyler: Zeke, just let it be. Mas gusto kong magalit siya sakin. Kaysa, umiyak siya ulit kasi sa huli iiwanan ko din naman siya. 

Zeke: Ewan ko sayo.

Tyler: Ikaw? Hindi ka ba natatakot na isang taon mo na siyang pinagsisinungalingan?

Zeke: Pagsisinungaling? Saang banda? Yun bang? Inlove ako sa kaniya? O yung sa condition mo?

Pabirong sagot ni Zeke.

Tyler: Ikaw talaga. Hindi ko alam kung nagbibiro ko o seryoso. Hala ka! Baka maniwala ako sayo.

Zeke: Tange!!! Parang hindi ka naman mabiro. Pumasok ka na nga sa kotse. Ako na ang bahala sa mga gamit niyang si Claye. 

At ginawa ko naman. Nakatingin lang ako habang tinutulungan ni Zeke si Claye. Ako sana ang gumagawa niyan eh.

Claye: Oh?? Kita mo 'tong si Tyler, hindi man lang kami tinulungan.

Tyler: Sino ba naman kasing nagsabing buong bahay mo dalhin mo?

100 Days With My Ex (KRISJOY)Onde histórias criam vida. Descubra agora