Sorry

3K 48 9
                                    

Claye's POV

Isang araw nang hindi gumigising si Tyler. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang sakit ni Tyler. Kaya pala palagi siyang nakalong sleeves, kasi tinatago niya ang mga pasa niya sa katawan. Bago pa malagas ang buhok niya, pinakalbo na niya ito. Alam kong labag yun sa kalooban niya. At umuwi siya galing States para lang makasama ako? Nag give up na ba siya? Kaya ba gusto niyang makasama ako kasi hahayaan na lang niyang mamatay siya? Sana huwag naman... Gusto kong bumawi... Marami pa akong tanong sa kaniya...

Hawak hawak ko ang kamay niya.. Nananalangin lang ako na sana gumising na siya.

Doctor: We're still observing his condition. 

Claye: Okay lang po ba? 

Doctor: You look so worried... Actually,  normal ang vital signs ni Tyler. We're still finding out why he's not waking up. 

Claye: Ganun po ba?

So, paghihintay lang pala ang magagawa ko sa ngayon. Paglabas ng doctor, yun naman ang pagpasok ni Zeke. 

Claye: Late na ah... Ba't nandito ka pa?

Zeke: I brought you your supper. 

Claye: Galing ka from work? Hindi ka ba pagod?

Zeke: Hindi naman... magtrabaho ka kasi para maramdaman mo nararamdaman ko.

Claye: Mag-asawa ka na kasi...

Zeke: Ikaw kaya mag-asawa...

Napaisip tuloy ako. Paano ko ba sasabihin kay Sean? Napakabuti niyang tao. Alam kong masasaktan siya, pero mas masasaktan siya kung papatagalin ko pa 'to.

Zeke: Huwag mo ng pakawalan pa si TYler. 

Claye: Bakit hindi mo sinabi sakin??

Parang na gets niya naman agad kung anong tinutukoy ko.

Zeke: Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabihin sayo. Habang nagsisinungaling ako sayo noon, yun din ang pagsisinungaling na ginagawa ni Tyler sa sarili niya. Sabi niya kasi sakin, babalikan ka naman niya eh. Hayaan ko lang daw na magalit ka sa kaniya. Para hindi ka masaktan kapag tuluyan na siyang mawala.

Ininom ni Zeke yung dala niyang softdrink in can.

Zeke: Nakakaguilty. Ako kasi yung naiipit sa inyong dalawa. Pero masaya ako nang naging kayo ni Sean. Kasi atleast hindi ka na nasasaktan ulit.

100 Days With My Ex (KRISJOY)Where stories live. Discover now