The Haircut-Day 10

3.1K 41 12
                                    

Claye's POV

TYler: Claye, samahan mo ako. Magpapagupit ako.

It's day 10. At ito ang first time na lalabas ako ng bahay na 'to simula nung nagsimula an kontrata. Sasamahan ko siya magpagupit?Wow ha! First time 'to. Kahit noon, hindi niya ako pinapasamang magpagupit sa kaniya.

Claye: Seryoso??

Tyler: Oo. Nabibingi ka na ata eh?!

Pansin kong naka-long sleeves na naman siya. Hmmm...

 Claye: Sige. Magbibihis lang ako.

Tanghali na ng makaalis kami ng bahay. 

Claye: hindi ba natin sasakyan yung motor mo?

Bigla namang napangiti si Tyler.

Tyler: Naaalala mo pa pala ang motor ko. 

Aish! Bakit ko ba naalala yun?

Claye: AH.. Kasi diba.. 

Tyler: Hindi na ako nagmo-motor.

Claye: Huh? Kailan pa?

Pwede ba Claye, tumigil ka sa kakatanong. Nagmumukha kang interesado eh.  Bakit hindi ba?

Tyler: Mahigit isang taon na.

Mahigit isang taon na pala.

Claye: Simula ba nung nagbreak tayo?

100 Days With My Ex (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon