Claye's Maling Akala

3.1K 47 19
                                    

Claye's POV

Phone Conversation..

Sean: Good morning Sweety!

Claye: Hmmm?

Kakagising ko lang. Nakapikit pa ang mga mata ko nang sagutin ko ang tawag ni Sean.

Sean: Kakagising mo lang? Late ka na ata nagising ah!  

Anong oras na ba?? Napatingin ako sa wall clock na nasa kwarto. It's 12 noon.

Claye: Sorry Sean. Sarap ng tulog eh.

Sean: Okay lang. Gusto mo pa bang matulog? 

Claye: Hindi na. Tamang tama at ginising mo ako. Kakain muna siguro ako.

Hindi pa naman ako gutom. Dami ko ngang kinain kagabi eh. Naubos ko pa yung cakelet na binigay ni Tyler. Alam niya talaga ang gusto ko.

Sean: Yan kasi... Huwag kalimutan ang pagkain Claye. Magkakasakit ka niyan.

Claye: Opo!! Hehe!

Sean: I love you...

Claye: Sige. Ibababa ko na?

Sean: Sige.

Conversation ends...

 Bigla naalala ko yung nangyari kagabi. Bakit nga ba yun yung naging reaction ko? Bakit nga ba nagalit ako nang makita kong hinatid ng babae si Tyler?

Grabe! Hindi man lang ako ginising ni Tyler para kumain. Hindi ba yun concern sakin? Lumabas ako ng kwarto para mag-branch. Ini-expect ko talaga na may babati saking Tyler. Yung kagaya ng ginagawa niya na pinaghahandaan niya ako ng almusal. Pero nang pumunta ako ng kitchen, wala man lang tao dun. Kahit nilutong pagkain, wala..

Ano ka ba naman CLaye? Bakit mo ba iniisip yun? Eh kung kay Sean ka kaya magpaluto? 

Claye: Kung wala siyang concern sakin, edi wala. Bahala siya sa sarili niya. Magluluto ako ng para sa sarili ko.

Reklamo ko sa sarili ko. Pumunta ako ng kwarto ko dala dala ang pagkain na niluto ko.

Claye: Bleeeeeeeeh! Bahala ka diyan! Magluto ka mag-isa mo!!

Sabi ko ng nasa tapat ako ng kwarto niya. Para tuloy akong bata. Hai... Pagkatapos kong kumain, napansin kong hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Tyler. Wala ring ibang pinagkainan sa lababo. Ako kasi kadalasan naghuhugas ng pinggan eh. Ano kayang nangyari dun? 

100 Days With My Ex (KRISJOY)Where stories live. Discover now