Love That Is Never Selfish

2.9K 42 17
                                    

Sean's POV

No texts, no phone calls from Claye. Nalaman kong na-ospital si Tyler at may leukemia siya. Yun daw ang rason kung bakit iniwan niya noon si Claye. I know, it took courage para gawin niya yun. Pero sa tingin ko, isa siyang g*go. Kung ako sa kaniya, hindi ako aalis sa tabi ng mahal ko. Oo, magigng selfish ako. But who cares? Kung alam mong mamamatay ka na, dun ka na lang sa makakapagpasaya sayo. Dahil sa pagsisinungaling ng Tyler na yun, muling nasaktan si Claye. And I know, now it's more painful than before.

Bibisitahin ko si Tyler sa hospital. Siguro naman, pwede ko siyang bisitahin, lalo na't, girlfriend ko ang nagbabantay sa kaniya. 

Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ni Tyler. Pagkatok ko, agad naman itong binuksan ni Zeke. Pero agad namang nahagip ng mata ko si Claye. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa kamay ni TYler. Nakikita ko na malungkot siya at parang nangungusap ang mga mata niya. Parang nagmamakaawa ang mga tingin niya kay TYler.

Zeke: Pasok ka...

I came back to reality nang magsalita si Zeke. 

Claye: Sean??

Napatayo si Claye. Pero napansin kong nakahawak pa din ang kamay niya sa kamay ni Tyler. 

Sean: Nag-alala ako eh. Kaya bumisita na ako. Kamusta na si Tyler?

Kamusta ka na Claye? Halatang hindi ka nakakatulog ng maayos. 

Claye: Okay lang naman siya. Hindi pa din nagigising eh. We still don't know what's wrong with him.

Nadidistract ako sa kamay ni CLaye na nakahawak sa kamay ni Tyler.

Claye: Maupo ka muna. 

Pinaupo niya ako sa couch sa tapat ng bed ni Tyler. Tapos bumalik siya sa position niya kanina. Nakaupo at nakahawak sa kamay ni Tyler.

Zeke: I think, you two should talk. I'll just buy you some snacks.

Sean: Thanks Zeke.

At nang tuluyang umalis si Zeke, biglang humarap sakin si Claye. Hindi ko maintindihan kung ano yung mga tingin ni Claye. Parang naaawa, na parang nalulungkot at nanghihinayang. I know, she feels sorry for me.

Sean: Ahmm... Let's talk about you Claye. Kamusta ka?

100 Days With My Ex (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon