Chapter 18 - The Bad Boy Prince

842 24 0
                                    

.

Mira's (P.O.V)

Hayst. Nandito ako sa sc office at tinatapos yung mga pinagawa ni madame principal. At kahit antok na antok na ako eh tuloy pa rin ako. Ang sakit na rin ng ulo ko!! Huhu.

Magkaka-trangkaso ata ako. Psh. Ge puyat pa more Mira.

Malapit na pala ang Homecoming sa school kaya eto ako busy. Nagche-check ako ng mga forms na pinasa ng bawat section. Ang mga nakalagay sa forms ay about sa mga suggestions nila na pwedeng gawin sa Homecoming. Mas ok na din kasi ang maagang ready para mas maganda ang kalabasan. Um-oo kayo readers! Haha!

Ang gaganda ng mga suggestion ng bawat section pero na-focus na ako sa debut style. Yung may cottilion ba yun?? Ay ewan. Pero eto ang ina-approve ko.

Iba-iba kasi ang theme per year. Kaya etong debut style na lang for this year. Malaking fund ang kailangan pero dahil alam kong mayayaman ang mga estudyante sa school na toh. Wala na akong dapat problemahin.

Balak ko na sanang ipaalam kay madame principal yung napili kong theme kaya lumabas ako ng SC Office at pupunta sana ng office ng principal na masalubong ko si Zeid.

I smiled at him at nginitian din nya ako.

Namiss ko rin tong lalake na toh. He's a really good guy and ideal man of every girl. Kaya hearthrob din sya eh. Haha!

"Musta na? Busy ba ang president ng student council?" Nakangiting sabi nya. How cute! Lumalabas kasi yung dimples nya.

"Oo eh. Palit nga tayo ng posisyon." I said jokingly and he just laugh a bit. Ang cute talaga nya!

"Kung pwede lang eh. Handa akong maging gentleman just for you" Sabi nya sabay kindat.

Just like wow. His sweet words that make every girl fall. Ako lang ata hindi nafall sa kanya eh. Iba kasi crush ko.

At si Rhobert yun...

Bwisit na konsensya to' ah! Imposibleng si Mr. New Guy yung crush ko. Si Chanyeol bebe ang crush ko!!

Sige lang. Ideny mo pa. Kaya pala kilig na kilig ka sa kanya kahit simpleng text lang nya....

Leche. Kilig lang yun nuh! No more, no less.

"Hey! Are you ok? Kanina pa ako nagsasalita pero wala kang imik." Ay nandito nga pala si Zeid.

Ano ba Mira. Ibang lalake kasama mo pero si Mr. New Guy pa rin iniisip mo. Tsk.

"O-ok lang ako. Medyo nagugutom lang. Hehe sorry." Nahihiyang sabi ko at ngumiti na naman sya.

"Gutom ka na? Sakto lunch break na din. Sabay na tayong kumain." Naka-ngiti pa rin sya habang sinasabi at di pa ako nakakasagot eh hinila na nya ako papuntang cafeteria. Oh well, mamaya ko na lang sasabihin kay principal yung napili kong theme.

Pagkadating namin sa cafeteria ay um-order na si Zeid nang mapansin ko si Mr. New Guy kasama si Jana. Psh.

Medyo malayo sila dito sa pwesto namin kaya di nila kami mapapansin kasi nasa may bandang likod kami.

Mukang enjoy na enjoy pa sila magkwentuhan ah? Aba. Ge enjoy lang bago kita kalbuhin Jan Aubrey Isidro.

Ang hard ko na. Pwera nakikita ko silang masayang nagkwekwentuhan? Psh. Magsama sila!

Class 7 - 2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora