Chapter 39 - Missing in Action

946 25 3
                                    

.

#Last1Chapter

---------------

Mira's (P.O.V)

Last month, nagselos si Rhobert sa isang lalake. Last last month yung panahon umamin sya sakin na gusto nya ako at liligawan. Last last month din yung araw na nag-paalam sya mismo sa mommy ko na liligawan nya ako.

Well yes! Isang buwan na lumipas after lahat ng yun. Pero masasabi ko lang kay Rhobert? Di sya isang salitang tao! Paasa sya bwisit.

"Oy kalma na. Baka naman kasi may ginagawa lang mahalaga kaya di ka macontact." Pagpapakalma sakin ni ate Alice.

Nandito kami sa kwarto ko. Rest day ng Student Council since bukas na yung graduation ng mga 4th year. Bukas na daw ulit kami magpapaka-busy. Pero eto ako busy parin. Busy uminom sa sobrang inis!

"Ang tagal naman nung ginagawa nya? Ate 2 weeks? 2 weeks na walang text. 2 weeks na walang call. 2 weeks na wala ni anino nya sa school!" Saka ko tinungga yung root beer.

Oh akala nyo tunay na alak noh? Di pwede. Wala pa ako sa legal age saka makakagalitan ako ni kuya, daddy saka ni Rhob-- tse! Wala naman na ata yun pake sakin.

"Malay mo naman kasi family problem yung inaasikaso nya. Syempre pag usapang pamilya, matagal talaga asikasuhin yun." Lahat naman ng sinasabi ni ate Alice may point eh pero ayaw tanggapin ng sistema ko. Nilamon na ata ng pagkairita yung sarili ko.

Pinaghalong irita at pag-aalala yung nararamdaman ko ngayon. Malay ko ba kung may nangyare nang masama kay Rhobert kaya di sya nagpaparamdam. Kahit kasi yung barkada di alam kung nasaan si Rhobert.

Kinuha ko ulit phone at tinignan yung convo namin kung may reply man lang ba sya kahit tuldok lang. Pero wala talaga. Aish! Nagtype naman ako ng bagong text message for him nanaman.

To: Mr. New Guy
Hoy Mr. Rhobert Castro! Kelan mo balak magparamdam? Pag kinasal na ako sa iba? Pwes sige! Mamaya maghahanap ako ng lalakeng mas gwapo sayo. Di na nya kailangan ligawan ako dahil ibibigay ko na agad sa kanya ang matamis kong 'oo'! Kainis ka. Mabulok ka na sana kung nasaan ka man 🌵🌵

Padabog kong tinap yung send button. Grr! Tototohanin ko talaga yung tinext ko sa kanya pag mamaya di parin sya nagpakita sakin.

"Ate Alice kuha mo pa nga ako ng root beer." Sabi ko saka tumitig sa tv na di ko na alam kung anong klase ng anime pinapalabas. May mga higanteng tao na kumakain ng maliit na tao tapos yung ibang maliit na tao pinapatay yung mga higante dun banda sa batok. Ewwness!

"Hindi na pwede. Baka mamaya yung depression mo madagdagan dahil magkaka-sakit ka na UTI kakainom ng softdrinks." Mahinahon nyang paliwanag saka nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo sya. "Kailangan ko nang bumaba. Tutulungan ko pa sina tita sa kusina. Tapos inutusan din ako ng daddy mo na tulungan kuya mo mamaya sa pagbili ng sapatos nya." At balak na nya umalis nang magsalita ako.

"Ate Alice kelan mo planong mag-move on kay kuya?" Nag-aalala kong tanong. Sa totoo lang sa kanya talaga ako nagaalala at hindi kina kuya. Masaya naman sila at natutuwa ako dun pero di ko kayang maging masaya ng tunay para sa kanila dahil kay ate Alice. Alam kong nasasaktan sya kahit hindi nagsasalita.

Ngumiti sya pero halatang malungkot. "Di ko rin alam eh. Siga baba na ako." At bago pa ako magsalita ay nakalabas na sya ng kwarto ko.

Kaloka ka Mira. Bakit kailangan mo pa tanungin si ate Alice ng ganun? Aish! Ginulo ko na yung buhok ko sa sobrang irita, stress at frustration.

 Bakit kailangan mo pa tanungin si ate Alice ng ganun? Aish! Ginulo ko na yung buhok ko sa sobrang irita, stress at frustration

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Class 7 - 2Where stories live. Discover now