Chapter 26 - Activity Day

787 31 0
                                    

.

Mira's (P.O.V)
_

Naka-ngiti akong naglalakad sa hallway papuntang room namin.

Hindi pa rin kasi ako maka-get over sa nangyare nung linggo. Thursday na kasi ngayon. Ang saya lang. After 12345678910 years eh naka-moment ko muli ang boyfriend ko?

My MIA boyfriend. Missing in action, pwe.

Syempre, MIA yun kasi naka-focus sya kay Jana the bubuyunggoy. Hayst. Isa talaga syang bubuyog at unggoy. Oh diba? Half-half talaga.

Two timer boyfriend ko. Saklap.

Pero di masisira ng bubuyunggoy na yun ang mood ko. I'm so super duper happy today! Walang makaka-pigil saken!

Naka-ngiti pa rin ako pagdating sa room namin and as usual, nagkakagulo na naman po ang mga kaklase ko.

At dahil nga president ako, kailangan ko na naman manaway! Jusko. Wag naman nila sirain ang mood ko.

Huminga muna ako ng malalim dahil nire-ready ko ang aking oh-so-beautiful voice. Kakanta kasi ako eh este manenermon. Matatalbugan ko pa yung pari sa Manila Cathedral.

Patuloy pa rin sila sa pag-iingay at halata naman na di nila ako napansin kasi may kanya-kanya silang mundo.

Jusku 7-2! Sarap nyo batuhin ng walis! Swear!

"7-2!!! DI BA KAYO MANANAHIMIK!!? ISA PANG PAG-IINGAY, MAKAKA-KITA KAYO NG FLYING WALIS!!"

Napa-tahimik namang silang lahat kaso may isang nag-salita na pina-init ang dugo ko.

"Flying walis? Wow! Gusto ko makakita nun Ms. President tas sasakay ako! Baka lumipad din ako at matulad sa mga witch na lumilipad gamit ang walis!" Kumikinang pa ang dalawa nyang mata habang sinasabi yun.

"ANGELOY!!" Sigaw nilang lahat na para bang binabalaan ang kaklase kong toh na isa sa mga dakilang pasaway ng Willstone Academy.

"Tsk. Bobo ka ba o tanga?" -Brine.

"Wala. Matalino ako. Matalino hehe." -Angeloy.

"Bobo! Matalino ka dyan. Tanga mo talaga kahit kailan." Naiiling na sabi ni Brine.

"Pakyu ka. Maka-bobo at tanga ka dyan? Talino mo ah! Ano!? Suntukan na la--" -Angeloy.

"Sige. Mag-suntukan lang kayo. Kita nyo, mamaya ako na sasapak sa inyong dalawa. Mga panira ng mood letse." Sabi ko saka sila inirapan at umupo na sa sarili kong upuan.

Mga panira ng araw bwiset. Sarap nila itapon sa Moon!

Natahimik silang lahat at balik na sa kanya-kanyang ginagawa pero hindi na ganun kalakas pag-iingay nila di katulad kanina.

Nagsaksak ako ng earphones sa tenga ko staka nakinig ng mga paborito kong kanta. Kailangan kasi mabalik ang original mood ko kaninang umaga.

Nakikinig lang ako hanggang sa makita ko syang pumasok mula sa pintuan kaya nagkaron na naman ng ngiti ang mga labi ko.

Syempre nakita ko ulit sya eh.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nakita ko lang sya. Pa-check up na kaya ako sa doktor bukas?

Eh kasi naman! Dati makita ko lang sya parang wala naman ganitong feeling na slow motion chuchu at fast heartbeat chuchu. Pero ngayon meron na waaah!

As usual, cold expression na naman ang nasa muka nya pero nung nasa bahay nila ako nung Tuesday para gumawa ng props eh yung normal side nya ang pinakita nya sakin. Yung masaya tapos minsan masungit.

Class 7 - 2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant