Chapter 41 *beach disaster*

603K 11.9K 2.8K
                                    

 

Chapter 41

*beach disaster*

 

[Jake’s POV]

“oh naayos mo na ba yung mga gamit ko? nag baon ka ba ng madaming sun screen lotion at alcohol? wag mo kakalimutan yun!” sabi ko kay Dionne habang nag hahain siya ng almusal.

“yap! naayos ko na lahat!”

“good!” tinignan ko siya “oh bat parang ang saya-saya mo? kasi pupunta tayo sa beach kasama yang Rui mo?”

Nginitian din ako ni Dionne, “dapat nga kami lang ni Rui eh..” sabi niya

Napakunot naman ang nook o. So gusto nga talaga ng babaeng to na mapagsolo sila ni Rui?! tignan mo yan! Sasabihin niya na may gusto siya saakin pero gusto niyang mapag solo sila ni Rui?! Tss. Sinungaling!

“sorry ka kasama kami ni Venus! pero wag ka mag-alala hindi ko kayo pakikielamanan ni Rui sa beach! bahala kayo mag solo doon! mag so-solo din kami ni Venus!!”

Nawala bigla yung ngiti ni Dionne “uhmm m-may gusto ka ba kay Venus, Japoy?”

Halos mapangisi ako sa tanong ni Dionne. Nagpangalumbaba ako at nginitian siya “Venus is definitely my type. Maganda siya, sexy, magaling humalik, at talented. Bagay na bagay siya sa isang katulad ko di ba?”

Iniwas ni Dionne ang tingin niya saakin “k-kung sabagay..”

“right! kaya naman napaka imposible akong magkagusto sa mga plain looking girls” I told her while emphasizing the word ‘pain’

Mas lalong napayuko si Dionne “o-oo nga.. paano ka nga ba naman magkakagusto sa mga simpleng babae” she gave a sad smile “napaka imposible…” sabi niya na halos pabulong na lang.

Tumayo na si Dionne sa kinauupuan niya “uhmm naku kailangan ko na pala mag-ayos, maya-maya dadating na sina Rui para sunduin tayo” dali-dali siyang lumabas ng kitchen ng hindi manlang ako tinitignan.

Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Naapektuhan ba siya?

Napakamot ako sa ulo ko.

Bwiset naman! Bat ba pakiramdam ko nakokonsensya ako?! nakakaasar!

“Ok! we’re here!” sigaw ni Rui ng makarating kami sa isang private resort sa Bulacan. Dahil weekdays ngayon, saktong sakto at solo namin yung island.

Nagsibabaan na kami sa kotse

“Dionne dalin mo yung gamit ko” utos ko sa kanya

“o-okay” sabi niya at pumasok ulit siya sa sasakyan para kuhanin yung bag ko

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon