Chapter 47

506K 13K 3.6K
                                    

AN:

PATAWARIN NIYO AKO KUNG NA-HIATUS NG MATAGAL ANG STORY NA ITO. Sobra lang talaga akong naging busy. Nag e-edit ng manuscript at the same time, nag ta-trabaho. Nung naka-luwag naman ako, hindi ako nakapag-update agad kasi na lost ako sa story na 'to. Nawala yung feels ko. So I need to re-read it again.

Pero ito na, nag babalik na, and promise tuloy-tuloy na ito since malapit na nating maabot ang ending :)

Enjoy reading!

--- Ate Aly

***

Chapter 47

 

        [Jake’s POV]

        Limang araw na kapayapaan kasama si Dionne. Limang araw kaming nag-tago sa Palawan matapos ang eksenang aminan na ginawa namin sa harap ng mga kapwa ko artista at sandamukal na reporters.

        Sa loob ng limang araw na yun, aware akong kaming dalawa ang laman ng balita sa tv, trending topic sa twitter at facebook, at maging sa mga dyaryo.

        Superstar Jake Marquez, currently in a relationship with his personal maid.

 

        Kabilin-bilinan ni Venus at Rui sa akin na wag na wag akong sisilip sa mga social media sites. Pero syempre dahil curious ako, sumisilip ako. May mga nag sasabing mala-fairy tale ang love story namin. Pero marami rin ang may negative feedbacks. Karamihan, sila yung shipper naming dalawa ni Venus. Ang dami nilang hindi magagandang sinabi about kay Dionne. Gumagawa pa sila ng mga offensive meme sa mga stolen shots ni Dionne.

        At seriously, gusto kong pag su-sugurin ang mga taong ‘to.

        Ang ikinatatakot ko lang ay, paano kung direktang sabihin na ng mga taong ‘to kay Dionne ang mga bagay na ‘yan? Paano ko siya po-protektahan sa magulong mundo ng showbiz?

        Kararating lang namin ni Dionne sa Manila. Naka-tanggap ako ng tawag kay Manager Rhian na kailangan namin pumunta ni Dionne sa office. Kaya ngayon, sakay kaming dalawa ng van papunta doon.

        “Listen Dionne. Relax ka lang ah? Wag kang kakabahan. Wag kang matatakot. Basta kahit ano’ng sabihin ng mga tao o marinig mo, hayaan mo lang. Pag may nag tanong sa ‘yo ng kahit ano, dedmahin mo lang. Just give them your usually mysterious smile. Wag kang kakabahan. I’m here okay? Hindi kita papabayaan. I will protect you. Basta wag kang matatakot! Wag kang kakabahan!” sabi ko sa kanya.

        “Japoy,” ipinatong ni Dionne ang kamay niya sa may tuhod ko. “Ba’t ka nanginginig? Ikaw ata ang kinakabahan kesa ako eh,” natatawa-tawa niyang sabi sa akin.

        Doon ko lang napansin na nanginginig nga ang buong katawan ko sa nerbyos. Leche naman oh! Ako? Si Jake Marquez? Gwapo, sikat, malinis, mayaman at mabango, kasalukuyang ninenerbyos ngayon dahil sa isang issue?! Whaddapak!

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon