Chapter 11 *Mr. Seduction*

779K 14.1K 1.7K
                                    

dedicated to asrah.. siya ang may gawa ng bagong Book cover ng Angel in disguise.. ang ganda no? XD

***

Chapter 11

*Mr. Seduction*

[Jake’s POV]

“ano yan?!” kunot noo kong tanong kay Dionne ng abutan niya ako ng isang garapon ng stick-o

“yung pinapabili mo saakin” nakangiti niya namang sagot

Huminga ako ng malalim at nginitian ko siya “Dionne..” malumanay kong sabi habang ngiting ngiti ako

“yes?” sagot naman niya habang ngiting ngiti din siya

“SABI KO YOSI HINDI STICK-O!!!!!!!” sigaw ko sa kanya.

Anak ng tilapia naman tong babaeng to eh!! matapos kong malaman yung past niya, pinilit kong maging mabait sa kanya kaso sadyang di ko kaya lalo na sa mga pinag gagagawa nito!! WALA BA SIYANG IBANG ALAM KUNDI ANG PASAKITIN ANG ULO KO?!?!

“oh relax ka lang, lumalaki na naman ang butas ng ilong mo! hahahaha”

“grrrr”

“I’ll show you the trick” binuksan niya yung garapon ng stick-o then kumuha siya ng isang stick at inilagay niya sa bibig niya in a way na parang isang yosi “see? Ganyan lang yan. May instant yosi ka na, hindi pa masama sa katawan!” masigla niyang sabi saakin

Tinitigan ko si Dionne “pinaglololoko mo ba ko ha?!?!?! pwede ba paki ayos na lang yung gamit ko at lumayas ka sa harap ko bago pa ko hindi makapag pigil sayo!!”

“yes boss!” nag salute siya saakin at umalis na sa harapan ko.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon