Chapter 1 *First meeting*

1.4M 25.8K 9.7K
                                    

 Chapter 1

*First meeting*

[Dionne’s POV]

“I’m very very very sorry Dionne, but Dylan is…” he trailed off then tinalikuran niya ako as he removed his eyeglasses and wipe his eye.

Huminga ako ng malalim then hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya

“Dr. Jin thank you po sa lahat ng ginawa niyo sa pamilya namin. Kahit wala na sina Mama at Papa di niyo kami pinabayaan ni Kuya Dylan. Inalagaan niyo kami na parang tunay na anak” I bowed my head “salamat po talaga ng madaming madami. You lessen the burden of my brother, salamat po”

“Dionne” niyakap ako ni Dr. Jin. He’s our family doctor and malapit na kaibigan ng mga magulang ko. Simula bata pa lang kami, inaalagaan na niya kami at nung mamatay naman ang mga magulang ko, siya ang laging tumutulong saamin ng kuya ko.

I tap his back “pwede ko na po ba makausap si Kuya?”

He released me from his hug then I gave him another smile at pumasok na ako doon sa loob ng kwarto.

Pinagmasdan ko ang katawan ng kuya kong kasalukuyan ng nakabalot sa kumot. Naupo ako doon sa gilid ng kama ni Kuya at hinawakan ko ang malamig nitong kamay

“kuya Dylan, kasama mo na siguro sila Mama at Papa diyan no? Sigurado akong maganda diyan sa lugar na pinuntahan mo ngayon. Hindi ka na masusundan diyan ng kahit anong sakit at paghihirap kaya kuya, wag mong isipin na nagtatampo ako sayo dahil iniwan mo ko. Sabi ko naman sayo eh kakayanin ko to. Ako pa, si Dionne Sy, ang nagiisang magandang kapatid ni Dylan Sy. Kahit ano ang ibato saakin, makakayanan ko. Kaya kuya wag mo na ko intindihin ha? Paki sabi na lang kina Mama at Papa na miss na miss ko na sila at mahal na mahal ko sila. Ikaw din kuya, mahal na mahal na mahal kita. Alam ko magkakasama din tayong apat sa tamang oras” may tumulong luha sa mata ko na agad ko namang pinunasan. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at hinalikan ang noon ni Kuya Dylan “bye bye Kuya Dylan. You’re with God now. I know he will protect you from pain and suffering. Hindi ka na mahihirapan kuya, masaya ako” may tumulo ulit na luha sa mata ko.

Kinuha ko isa isa ang mga gamit namin ni Kuya sa loob nitong kwarto kung saan siya na-confine… at kung saan siya binawian ng buhay. I gave the room one last look then I smile

“I’ll miss you Kuya”

After that, tuluyan na akong lumabas ng room at sinalubong naman ako ni Dr. Jin

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon