Haunt # 1

7.9K 212 12
                                    

Haunt # 1

.~*~+~*+~*~.~*~+~*+~*~.

My name is Mandy Cheng.

Hindi lang ako ang tahimik. Tahimik din ang mundo ko. Pero siyempre, iyon ang alam ng mga tao. Hindi naman kasi nila naririnig ang lahat ng ingay na nasa loob ng mundo ko. Malay ba nila, right? Siyempre, sa akin na lang iyon. And it's not that I don't want to share. It's just that I find solace in my own little world.

Right. In short, may sarili akong mundo. And no, it's so not boring. In fact, it's exciting. Sa dinaming nag-eexist na mga kababalaghan sa mundo, paano magiging boring, 'di ba?

And right now, excited ako dahil may bagong activity ang Ghost Guild, ang nag-iisang club sa Unibersidad de Barrio Belleza na nakikita kong may thrill kaya sinalihan ko.

Dali-dali akong naglakad papunta sa office ng Ghost Guild habang inaayos ang makapal kong salamin at yakap-yakap ang mga makakapal kong libro (na of course ay walang kinalaman sa academics).

Pagbukas ko ng pintuan ng guild, nandoon na sa loob ng office ang majority of our members. Tumingala sila upon my arrival at tumango sa akin ang iilang mga kasabayan kong pumasok sa guild. I searched for a vacant seat and finally found one sa corner na malapit sa wall kung saan may lumang painting na nakasabit.

Tinapik ko ang kaklase kong si Benedict na kanina pa nakatulala at nakatingin lang nang diretso. I don't think anything is wrong with him. I mean, normal lang sa kanya 'yun—ang nakatulala at nakatingin nang diretso.

He slowly turned to look at me. "Alam mo ba kung ano ang bagong activity?" I couldn't help asking kahit na ayaw kong nagsasalita.

He shook his head. Kung ayaw kong nagsasalita, mas lalong ayaw ni Benedict. So since hindi niya alam (o baka ayaw niya lang i-share kasi nga ayaw niyang magsalita), wala akong choice kundi hintayin ang guild president na sabihin kung anong bagong activity ng guild.

Noong sa wakas ay halos kumpleto na, tumayo at nagsalita si Frederick Torres, ang president ng Ghost Guild. He is in his early twenties, payat, matangkad, may manipis na buhok, and he resembles a mortician (lalo na't mukha siyang palaging pinagsasakluban ng engkantasya at impyerno).

"Fellow Ghosts," he said in his grim voice. "I'm delighted to announce that our new activity has been approved by the university admin and local government. We are now allowed to explore the La Soianna Manor and hunt for the secrets that lie within its walls and past."

Excited whispers filled the room, at kahit si Benedict ay nagkaroon ng reaction. Namilog ang mga mata niya as he stared at Frederick. Medyo napaawang naman ang bibig ko sa gulat dahil hindi ko inakalang maa-approve ang proposal ng Ghost Guild na i-explore ang La Soianna Manor. Matagal nang ina-attempt ito ng mga previous batches ng guild, pero never pa pumayag ang university admin at local government, the latter being the current representative ng manor habang ina-assess pa ang ownership ng property.

"As you all know," pagpapatuloy ni Frederick, "the manor has been abandoned for twenty years after the last inhabitant migrated to Bangkok. He donated the property to the public, but reiterated the stipulation that whoever proves to be a direct heir of Seraphina de Saavedra can inherit the property. Apparently, the last inhabitant, Juan Miguel Velasquez, is just the caretaker of the manor. Unfortunately, he also doesn't know the identity of the rightful heir."

May nagtaas ng kamay. Tumingin ako sa gawi ni Franco, isa sa mga kasabayan kong pumasok sa guild. "But who instructed Juan Miguel Velasquez to care for the manor in the first place po?" tanong niya.

"From what I've managed to come up with—his family had taken care of the manor for the past generations. Kabilin-bilinan ng mga magulang niya at ng mga magulang ng mga ito," paliwanag ni Frederick.

Ghost GirlWhere stories live. Discover now