Haunt # 13

2.8K 153 17
                                    

Haunt # 13

.~*~+~*+~*~.~*~+~*+~*~.

Sunday morning and I was impatiently waiting for them. Dahil hindi ako pinatulog ng mga nadiskubre namin ni Wesely kagabi, I sent a message to Benedict and Vladimir saying na kailangan naming ipagpatuloy ang Hunt ngayong araw.

Maaga akong dumating sa tapat ng La Soianna Manor. Napagkasunduan namin ni Wesley kagabi na hintayin na lang sina Benedict para i-decode ang mga nakasulat sa diary.

And there is something else that's bothering me kasi eh. Bago kami umalis ni Wesley sa sikretong silid kagabi, I stared at a painting na merong clear view of the image na nandoon. Something has been bothering me since that time kasi parang... parang pamilyar eh. Parang nakita ko na 'yung image na 'yun or something. And what bothers me more eh iyon din ang sabi ni Wesley-na parang nakita na rind aw niya ang hitsurang iyon.

So here I am, hinihintay silang tatlo sa tapat ng La Soianna Manor. Alam kong sobrang napaaga ako kaya kahit na I'm feeling impatient na talaga, hindi ko sila magawang i-bitch sa text at sabihing bilisan nila.

Vladimir came first at obvious na nagmadali siya sagad. Hinihingal pa siya noong dumating siya. "So what's all this about?" he asked, panting heavily. "Is it true na natunton niyo na ang secret room?"

I nodded. "I said so sa text, 'di ba?"

"OMG," he said breathlessly. "What made you think ba kagabi na you have to go back?"

I shrugged. "Just a hunch. Ghost's instinct, you know?" nakangising sabi ko.

He rolled his eyes and was about to say something else when Benedict and Wesley arrived. At dahil kumpleto na kami, agad akong naglakad papunta sa gate, but Wesley stopped me.

"Natanggap mo ba 'yung text ko?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya. "Alin doon?"

He sighed. "Mukhang hindi mo nabasa. Sabi ko hintayin mo ako sa tapat ng bahay niyo at susunduin kita."

Namilog ang eyes ko. "Excuse me? Pupunta ka na naman sa bahay namin in broad daylight? At makikita ka na naman ng kambal kong patay na patay sa'yo? No way," I said, aghast.

"Ayaw mo bang nakikita niya ako?"

I crossed my arms. "Malamang ayaw. Why? Because she things there's something going on between us, and she won't stop pestering me about it," I said irritably.

"Mabuti pa 'yung kambal nakaramdam," he muttered.

"Ano 'yun?" tanong ko dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.

"Kung tapos na kayong mag-moment there, baka gusto niyo nang pumasok," Vladimir called from inside the gate.

Muli kong tiningnan si Wesley at agad na sumunod kay Vladimir. Noong nakapasok na kaming lahat sa loob ng manor, pinakita ko kina Benedict at Vladimir 'yung nadiskubre naming daan papunta sa sikretong silid.

Siguro namangha lang talaga sila sagad kasi both of them ay hindi nakapagsalita. Para silang na-shock na ewan.

Umakyat kami papunta sa sikretong silid at katulad ng reaction ko kagabi, ganoon din ang naging reaction ni Vladimir habang si Benedict naman at mabilis na naka-recover from amazement.

"Simulan na natin," agad niyang sabi. "Nasaan ang mga ipapabasa niyo sa akin?"

Nagtungo kaming apat sa desk kung nasaan ang mga diaries na nakita naming kagabi. Kumuha si Benedict ng isa at saka binuksan iyon. Kumunot ang noo niya habang binabasa ang nilalaman niyon.

Ghost GirlWhere stories live. Discover now