Haunt # 14

2.6K 143 24
                                    

Haunt # 14

.~*~+~*+~*~.~*~+~*+~*~.

Siguro hindi pa totally nagsi-sink in sa aming apat ang na-discover namin tungkol sa La Soianna Manor. After noong nalaman naming ang nangyari sa nakaraan based sa mga diaries ni Seraphina, tahimik kaming umalis noong Linggo mula sa La Soianna Manor. At simula noon, hindi pa namin pinag-uusapan ulit. Sa tingin ko ay hindi naman kami naghihintayan. Feeling ko eh hindi lang talaga pa nagsi-sink in sa aming apat 'yun.

Noong nagpatawag si Frederick ng weekly meeting, akala ko eh ibubunyag na ni Benedict ang mga natuklasan namin tungkol sa La Soianna Manor. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, he's very particular sa rules and hindi siya rebel. So nagulat ako noong sinabi niya kay Frederick na walang progress masyado ang Hunt namin sa La Soianna Manor.

"Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi sinabi ni Benedict kay Frederick ang totoo?" I couldn't help asking Wesley during our breaktime sa klase. Medyo gulat siyang napatingin sa akin. Tinaasaan ko siya ng kilay. "Bakit?"

Umiling siya. "Wala, nagulat lang ako."

"Kasi?"

"It's rare for you to initiate a conversation with me," he said softly. "Madalas ako ang nauunang kausapin ka."

I rolled my eyes. "O, tapos? Ayaw mong ako ang nauunang kumausap sa'yo? Eh 'di 'wag," I said, shrugging.

"Hindi sa ganoon, Mandy," sabi niya habang umaangat nang bahagya ang dulo ng labi niya.

"Eh ano pala?"

He shrugged. "Sana palagi."

"Anong palagi?"

"Palagi mo akong kakausapin."

"Kasi? Palagi ba tayong dapat na may pag-usapan?"

"Hindi naman sa ganoon. Hindi lang kumpleto kapag... ano... hindi mo ako kinakausap."

"Anong hindi kumpleto?" nagtatakang tanong ko.

"Lahat."

"Lahat?"

He gave a frustrated sigh and stood up. Actually medyo nagulat ako doon kaya napakurap ako noong tumayo siya eh. "Hindi kumpleto ang lahat ng bagay sa akin kapag hindi ko naririnig ang boses mo. Ano, malinaw na?" he asked softly. "Manhid."

Nalaglag ang panga ko. May sinabi siya, pero hindi ko masyadong narinig 'yung huling sinabi niya eh. For a lead singer, masyadong mahina ang boses niya. Ganoon ba talaga silang mga mang-aawit? Pine-preserve ang boses or something? Iyon kasi ang napansin ko sa kanya eh-mahina ang boses. Muli akong napakurap, pero bago pa ako nakapagsalita eh tumalikod na siya at umalis.

Problema niyon?

Tumayo ako at sinundan siya sa hallway, pero medyo nakalayo-layo na siya.

"Wesley," tawag ko, pero hindi niya ako nilingon. Hindi ko alam kung sadyang mahina lang talaga ang boses ko o ano. Well, hindi naman kasi ako palasigaw. I mean, bakit ako sisigaw, right? Muli ko siyang tinawag. "Wesley."

Deadma. Ano 'yun, 'di ako pinapansin o talagang mahina ang boses ko?

Ugh. Buwisit.

"Wesley!" I snapped a little too loudly.

Napatingin sa akin ang mga estudyanteng nasa hallway. Uh-oh. Mukhang napalakas ang boses ko.

Pero tama lang siguro ang volume kasi narinig ni Wesley? I assumed narinig niya kasi huminto siya sa paglalakad eh. Nilingon niya ako at medyo gulat siyang nakatingin sa akin.

I was about to make a hakbang papalapit sa kanya, pero inunahan niya ako. Binilisan niya ang paglakad niya and the next thing I knew, nasa harapan ko na siya.

Ghost GirlWhere stories live. Discover now