Haunt # 10

2.5K 155 12
                                    

Haunt # 10

.~*~+~*+~*~.~*~+~*+~*~.

Okay, so tinapos ko naman talaga ang concert eh. I mean, 'di ba tapos na 'yun kapag tapos nang kumanta 'yung banda? Pero sa hindi ko malamang dahilan eh may mga nagpaiwan pa rin sa concert hall. Eh alangan namang pati ako magpaiwan, right? Of course lumayas na ako kaagad from the concert hall.

But I didn't leave the plaza yet. Gusto ko nang umuwi, pero hindi ko alam kung anong kagagahan ang meron at hindi ko pa ginagamit ang kakayahan ng mga paa ko to exit from this place. Malalim na ang gabi at heto ako, nakaupo lang sa may fountain na nasa gitna ng plaza.

Maybe because after all those foreign vibes na nakapagpa-high sa akin kanina at ngayon ay unti-unting humuhupa na kaya I decided to just sit calmly for a while hanggang sa tuluyang humupa na ang mga vibes na 'yun. Alam mo 'yung pakiramdam na after all the excitement and stress, tapos biglang tapos na? 'Di ba parang nakakapanlambot ng muscles 'yun at nakakapanghina ng tuhod? Ganoon.

So umupo lang ako at nagmasid sa paligid. There wasn't much to see, anyway. Nasa loob pa ng concert hall ang mga tao at kaunti lang ang gumagala-gala sa paligid.

I kept hoping na makakita ako ng multo, pero no such luck. In spite of my interest in the other world, never pa akong nakakita ng multo, maligno, o kahit na anong sugo ng kabilang daigdig. Unfair, right?

I put up my hoodie, crossed my arms, and looked down on my feet. Malamig ang simoy ng hangin lalo na't katatapos lang ng umulan a while ago. The weather has been gloomy lately, pero okay lang. It's my kind of weather at mas kumportable ako sa ganitong klaseng panahon.

Dahil nakayuko ako and lost in my own thoughts, hindi ko namalayang may lumapit sa akin at naglagay ng kung anong fabric o tela sa balikat ko. I glanced up and saw Wesley Montes hovering over me before he sat down next to me.

"Bakit nandito ka sa labas?" he asked.

Instead of answering his question, namilog ang mga mata ko because agad kong na-realize ang fact na ang lead singer ng Glacier na ipinunta ng mga tao sa loob ng concert hall ay nandito sa labas at nasa tabi ko. It would mean... oh, no. Baka magsisulputan ang mga tao sa paligid ngayon!

I gave him a panicked look. "Shouldn't you be inside?"

He gave a little frown. "Hindi ba't dapat sa'yo ko tinatanong 'yan? Bakit ka nandito sa labas?" he repeated.

"And why shouldn't I be here? Isn't the concert finished?"

"Oo nga, pero malamig dito sa labas."

I smirked. "Malamig? This is fine with me. Gusto ko ang lamig," I said, smirking.

"Multo ka nga," I heard him mutter.

I raised an eyebrow. "Anong problema natin sa kagustuhan ko ng malamig?" mataray kong tanong sa kanya. "Ba't ka ba nandito?"

"Nandito ka kasi. Hinanap kita sa loob, pero wala ka na kaya lumabas ako para hanapin ka."

"Bakit mo ako hinahanap? Anong kailangan mo? May transaction ba tayo?" nagtatakang tanong ko.

"Kapag ba hahanapin ka, kailangan may transaksyon?"

"Of course," I said, nodding my head. "Otherwise, why would you look for me?"

"Hindi ba puwedeng gusto lang kitang makita?"

"Kasi? Bakit gusto mo akong makita kung wala tayong transaksyon at wala ka namang kailangan sa'kin?" I asked, confused.

He closed his eyes and sighed. "I rest my case," he muttered.

"Huh, ang dami mong arte," I said, standing up. "Osha, diyan ka na't aalis na ako bago pa magsidatingan ang mga fan girls mo at magambala na naman ako."

"Mandy—"

"What? Oy, I kept my word, ha. I went to your concert and—"

"Nagustuhan mo ba?"

"Ang alin?"

"Ang mga narinig mo kanina?"

"What do you mean? Ah, the songs? Well, I'd be a hypocrite if I say na hindi ko nagustuhan ang mga kanta niyo. In fairness, you sing well and the songs are good. Did you compose them?"

He nodded. "Besides being good, what do you think of the songs?"

Ay? Ano ito, need niya ng critic para sa mga kanta niya? "Err, I'm actually not that into songs. I mean... hindi ako marunong mag-dissect ng songs or something eh. I just appreciate a good song, that's all," I said, shrugging.

He nodded. "Didn't you feel anything?"

"Tungkol saan?"

"About the songs."

"What about them?"

He heaved out another sigh. "I really rest my case," he grumbled.

"Ano ba kasi 'yun?" I asked curiously.

Ngumiti siya nang tipid. "Wala, Mandy, huwag mo nang isipin 'yun."

Tumaas ang kilay ko. "Whatever," I said, flipping my hair. "Osha, I'm really going ahead na. 'Bye!"

"Ihahatid kita sa inyo."

"Ayoko nga. Kaya kong umuwi mag-isa," sabi ko as I walked away. Pero leche lang ang madulas na semento dahil... "Ouch, shit."

I actually fell face-flat on the ground.

Naramdaman kong may humila sa akin patayo.

"I'm fine, I'm fine!" I said while rubbing my nose na tumama sa lecheng semento. Tanga ng semento. "I'm fine!"

Wesley was muttering something under his breath. Problema niya? Kinukulam niya ba ako or something?

To my surprise, he brushed my nose with a handkerchief at hinawi ang iilang hibla ng buhok kong umepal sa mukha ko. Then he bent down and brushed my knee with his handkerchief.

I blinked and stared at him as he did that. When he faced me, he gave me a serious look. "Ihahatid na kita," he said sternly.

"Huh? No, no. I said I'm fine and kaya ko nang umuwi mag-isa. Besides, baka hinahanap ka na doon sa loob ng concert hall at—"

"Ihahatid na kita," he repeated, almost snapping at me that I was so stunned to speak again. At dahil tulala ako, hindi ko napansing he slipped his hand on mine and led me away from the fountain.

We walked in silence as he held my hand. I was still too stunned to speak. I feel anxious, disturbed... but to my surprise... okay lang. I'm fine with it. Parang I like what I'm feeling kahit na I know hindi iyon normal. The same thing na I like kababalaghan kahit na alam kong it's probably not normal.

Okay.

So I didn't see any ghost tonight.

But I'm definitely haunted.

.~*~+~*+~*~.~*~+~*+~*~.

Facebook: TheDyosaMalditaCreations

IG: dyosamaldita


Ghost Girlजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें