Kabanata 6

22.1K 770 243
                                    

"Ingat kayo mga anak!" sabi ni Mama habang paalis na kami.

Kumaway ako sa kanya. Nang makalabas na sa subdivision ay sinara ko na ang bintana. We are now going to Batangas. Hindi ako na-e-excite sa kaisipan na makakapunta ako sa probinsya, but I'm so excited because I'm with Moran!

Napansin ko ang maliit na bag katabi nang malaki kong bag sa backseat.

"Ayan lang dala mo?" tanong ko kay Moran.

Ang liit! Ilang damit dala niya? Isa? Dalawa?

"Nandyan na lahat ng kailangan ko..."

Well, he's a man, alright.

Nagpatugtog ako sa kanyang sasakyan. Sumasabay ako sa kanta habang tumitingin sa dinaraanan namin. Nilabas ko ang cellphone ko at nag-video sa paligid when we are near the Tagaytay. I clicked the front cam. Nag-selfie ako habang seryoso siyang nagda-drive katabi ko. I opened my Instagram and posted it.

"Do you have an Instagram account?" tanong ko.

Now that I mentioned it, I didn't even know if he has a Facebook or any social media accounts!

"Yeah..."

"Really? What's your username?"

"LMKertia..."

Sinearch ko iyon. Nakita ko naman agad. Ang DP niya ay suot ang kanyang uniform. And there was a stethoscope around his neck. He was not looking at the camera. Nakatingin siya sa gilid habang may hawak din na papel sa isang kamay. He looks so handsome!

"Who took this picture?" tanong ko. Because It's candid.

"A friend of mine."

"Boy or girl?"

Saglit niya akong nilingon. "Boy."

Tumango ako.

Laux Moran Kertia. So that's his full name. Wala siyang pina-follow pero marami siyang followers! Konti lang din ang pictures na nandito. Karamihan ay mga bahay niya sigurong nagagawa. The houses looks so beautiful! May isa siyang picture na suot ulit ang uniform niya like his DP. Ang kaibahan lang ay may suot siyang hard hat dito. Tinignan ko ang mga comments. Ang dami! Karamihan ay papuri sa kanya. At karamihan sa pumupuri ay babae.

I noticed a girl mentioned Sana Trinidad on his picture. I think it's his girl classmate who likes him. The girl is beautiful too, I must say. Bakit kaya hindi siya nagustuhan ni Moran?

"Moran, do you think I'm beautiful?" I asked while still reading the comments.

"You are beautiful."

"Magugustuhan mo kaya ako kung hindi ako maganda?" wala sa sariling tanong ko.

"All girls are beautiful, Fenella," tumaas ang kilay ko roon. "Wala akong pakialam kung ano man ang itsura mo. It's the way I feel about you. You make me feel things I didn't know I have in me..."

I think that's the thing about love. Your heart start seeing what the mind cannot decipher.

"I didn't even care about not having a girlfriend. But when I saw you..."

Inangat ko na ang paningin ko sa kanya. Sumulyap siya sa akin at binalik din ang tingin sa daan.

"What?" I probed.

"You woke up something in me..." ngumisi siya bigla.

"Huh? Ano iyon?" umiling siya habang nangingiti. Pinanliitan ko siya ng mata. "What is it, Moran?"

"Nothing..." he smiled.

"Oh..." natawa ako bigla. Did he mean I woke his... up?

Siya naman ngayon ang nagtanong sa akin. Hindi ko naman siya sinagot sa naisip!

Sweet Vengeance Of Innocent (Levrés Series #1)Where stories live. Discover now