Kabanata 18

23.3K 619 228
                                    

Hinatid ako ni Moran sa bahay pagtapos ay umalis na rin siya. Ako lang ang tao sa bahay at isang katulong. Si Ate ay hindi nakauwi dahil nagka-problema raw sa hotel. Pero hindi naman ito malaking problema.

"Nagulat na lang ako nawala na kayo!" sabi ni KC noong puntahan niya ako rito sa bahay.

Ngumisi ako. "I'm tired and drunk. So I need to go home and rest."

Tumaas ang isang kilay niya. "Kaya pala hindi ka na mukhang lanta dahil nadidiligan ka na!"

Nagtawanan kaming dalawa. Pagkaalis namin ay nag-uwian na rin pala sila. Mga lasing na rin naman sila eh! Cynthia and his boyfriend were gone too last night.

"May gagawin ka? Tara sa mall!" aya niya kalaunan.

Pumayag ako. Hindi pa rin ako nakakapasyal ulit dito! Mabuti na lang at nag-aya siya. And since Moran is still busy doing his stuff.

Naligo ako at nag-ayos. Tapos ay nag-aya na rin umalis. Sa isang mall pa sa Taguig niya naisipan pumunta. We shop all day. And pampering ourselves. Ganoon pa rin naman ang mga mall. May mga nagbago lang ng kaunti.

"CR tayo?" aya ni KC.

"Hintayin na lang kita rito sa labas," sabi ko.

Tumango siya at pumasok sa loob ng CR. While waiting for KC, I saw a very familiar face. I squinted my eyes and stared at him intently.

I didn't ask him where he was going. Because he still has a life on his own. And I thought it was for his work. And he didn't tell me where he was going too. And now, he's here. I didn't tell him where we are. Ang sinabi ko lang sa kanya ay nasa mall kami ni KC.

He was wearing a white long sleeve and dark pants. Litaw na litaw siya sa gitna ng maraming tao. Marami rin ang nagtitinginan sa kanya.

Tatawagin ko sana siya nang may nilingon siya at binigay roon ang buong atensyon. Nilingon ko rin iyon.

"Daddy!"

A girl whose age was three to four came running towards Moran. Nag-squat si Moran at nilahad ang bisig sa bata. The girl happily hugged him.

Nabingi ata ako sa narinig. Did she called him daddy?

Baka naman iyon lang talaga ang tawag sa kanya. Baka naman hindi niya anak iyon. He didn't have a child! No one told me that he has a daughter now!

Calm down, Fenella Coraline.

Pero sinong niloloko ko? Kamukha niya iyong bata! Naging babae lang ito! Pero kung lalaki ay kamukhang-kamukha niya!

Ito ba iyong sinasabi niyang pupuntahan niya? Para makipagkita sa... anak niya?

Nope.

Hindi niya anak iyon.

"Ang cute ng mag-ama ko, ano?"

Nilingon ko iyon. Akala ko hindi ako ang kausap pero nakatitig sa akin ang isang magandang babae. Maamo ang mukha nito at mahinhin ang bawat kilos. Nakatitig lang ako sa kanya at siya rin ay nakatitig lang sa akin.

Hindi naman ako bingi, pero parang nabibingi ako dahil sa mga naririnig.

Mag-ama niya? Did she mean, Moran?

"Our daughter loves Moran so much. Napakabait at responsable naman kasi niyang ama," mahinahon na sabi nito.

Wala akong reaksyon dahil sa gulat. O dahil ayaw tanggapin ng sistema ko iyong mga naririnig ko.

"Maalaga rin at mapagmahal si Moran. Kaya nga mahal ko talaga iyan. Pati ang anak ko. I want us to have a happy and complete family. If you'll become a mother, you will want that to your child too," tumitig siya sa akin.

Sweet Vengeance Of Innocent (Levrés Series #1)Where stories live. Discover now