Kabanata 9

21.3K 612 150
                                    

They were discussing about the house. Si Emrei pala ay isang architect. Kaka-graduate lang din nito last year. Magaling din kaya siya na rin ang kinuha ni Reel bilang arkitekto. Mansion ata ang balak ipatayo ni Reel. A classic one.

I was just looking at them. Especially for Emrei. Sa palagay ko ay isa o dalawang taon lang ang agwat niya sa akin. Makikilala mo na isa silang Kertia dahil sa tindig nila. Halos pare-pareho. Their thick perfect eyebrows, long eyelashes and perfect jawline.

Seriously, naiinggit talaga ako sa mahahaba nilang pilik-mata!

"What time are we leaving?" walang emosyon na tanong ni Emrei.

Pupunta raw sila mamaya sa Batangas. At sa makalawa ata uuwi. Sinisimulan na ang bahay kaya kailangan na rin laging bisitahin. Hindi lang makapag-stay in si Moran doon dahil sa pag-aaral.

Their vacation is getting nearer. Kaya malamang ay mag-s-stay na rin siya roon. Hindi naman ako pwedeng sumama dahil aasikasuhin ko pa ang aking OJT. I will just visit him, then.

"Mga alas sais," sabi ni Reel.

Napasulyap sa akin si Emrei. Tipid akong ngumiti. Tumango lang siya bago binalik kay Reel ang paningin.

"Zenrick wants to come," sabi nito.

"Why?" Reel asked.

"May pupuntahan lang daw siya roon."

Sumandal si Moran sa sofa para magkapantay kami. Nilingon ko siya at bahagya siyang lumapit sa akin.

"You keep looking at Emrei. I'm getting jealous..." bulong niya sa akin.

I arched an eyebrow and smiled. "Don't be. I'm just curious."

"You can just ask me about them," he frowned.

I tapped his cheek. Hinuli niya iyong kamay ko at pinagsalikop ang mga ito.

"Why are you so curious? Type mo siya?" sabi niya sa mababang boses.

I chuckled. "Ikaw pa rin."

Natigilan siya. Dinala niya ang isang kamay ko patungo sa kanyang labi. Gustong takpan ang nagbabadyang ngiti. I grinned.

Reel cleared his throat. "Alis na kami, Moran. Mamaya na lang."

Nilingon sila ni Moran at tinanguan. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Ayaw mo sumama, Fenella?" tanong niya.

Umiling ako. "May practice pa kami para sa graduation eh. Maybe next time."

Pag-alis nila ay hinila na ako pabalik ni Moran sa kanyang kwarto. Natawa na lang ako dahil sa pagmamadali niya. And we continued watching movie and yeah, hindi na naman kami nakatapos ng isang palabas.

"Ayaw ninyo pumunta sa mall para mag-shopping?" tanong ni KC.

"Pass. May lakad ako," sabi ko.

"Kami lang ang ayain mo, KC! Kasi single kami!" sabi ni Sandra.

Tumawa na lang ako. Pabiro naman siyang inirapan ni KC at sinabihan na maghanap na kasi ng boyfriend.

"Ang daming gwapong pinsan ni Moran," sabi ko nang maalala sila.

"Yes! They are all handsome! Their families are well known around Makati and Taguig. Especially in Cebu! Sikat doon ang lolo nila," sabi ni Cynthia.

"Talaga? Ma-stalk nga sila! Baka makahanap din ako sa kanila!" tumawa si Sandra.

"Kaso karamihan mga babaero. Si Moran lang ang pinakamatino sa kanilang lahat," sabi ni Cynthia.

"Rowe, Diem and Kirk too," sabi ni KC.

Sweet Vengeance Of Innocent (Levrés Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon