Kabanata 16

26.1K 705 408
                                    

We are all exhausted. Kaya pagdating sa hotel ay nagpahinga agad ang mga kaibigan ko. They all are sleeping right now. Ako naman ay dumiretso sa office ko rito para bisitahin kung ano na ang nangyari sa hotel. Dumarami na rin kasi ang mga nagchi-check in.

"You should rest, Fen," biglang pumasok si Ate.

"I'm not that tired. At saka may ichi-check lang naman ako."

"Balak mo pa bang umuwi sa Australia o mag-stay ka na rito?" tanong niya.

Napaisip ako. Kung uuwi ako ay walang maiiwan dito. At magsasayang lang din sa pamasahe. Wala naman na gaano gagawin sa hotel doon. Kaya na ni Tita.

"Baka hindi na," sabi ko. "Ikaw ba?"

"I'll stay here."

Sinulyapan ko siya. I smiled knowingly. Of course she will stay here! Reel is here. Pwede rin siya humingi ng advice kay Reel dahil mga hotel din ang business nila Reel. And they are the number one here in the Philippines! May mga branch din sila sa ibang bansa.

"Tita might visit us one of these days," sabi niya.

Wala naman gaano malaking reklamo. Puro mild lang na pwede naman agapan. Pagtapos ay lumabas na ako para magtungo sa restaurant. I'm hungry.

Pagpasok ay nakita ko agad si Moran. There's a laptop infront of him. And a cup of coffee. Tumikhim ako at pumili ng table hindi kalayuan sa kanya. Since hindi naman kalakihan itong restaurant.

I ordered a light meal. While waiting, Moran sat in front of me. Medyo nagulat ako pero umayos na lang ng upo.

Hindi naman siya kumibo at nakatutok lang sa laptop.

Dumating ang order ko. Sumulyap ako kay Moran at nakitang nakatingin na siya sa akin.

"Kumain kana ba?" tanong ko na lang.

Tumango lang siya. Nagsimula akong kumain. Bumalik naman ang tingin niya sa kanyang laptop. Nang natapos ako ay 'tsaka siya tumingin ulit sa akin.

"You should eat more," he said.

"Ayoko na."

Marami na nga iyong nakain ko. Sadyang nagutom lang talaga ako ngayon.

"Ang payat mo na."

I looked at my body. Ganito rin naman ako kapayat dati ah?

"Ayokong tumaba," sabi ko.

Umayos siya ng upo at binigay sa akin ang buong atensiyon.

"What's wrong with being chubby?" he arched an eyebrow.

"Basta ayoko."

"Even if you're chubby or you're sexy, you are still you."

Tumikhim ako. "Madali ipagpalit kapag mataba."

"Hindi rin. Kapag tumaba ka, hindi pa rin kita ipagpapalit."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Are you flirting with me?"

He flashed me a charming smile. Muntik na ako mahulog sa upuan ko dahil doon! He's so freaking handsome, alright!

"Why? It's not working?"

He knows how to play now, huh? But damn! Kinikilig ako sa mga sinasabi niya!

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong time makipaglandian."

He eyed me suspiciously. "But you have time looking for a boyfriend?"

"I'm not looking for a boyfriend."

"Akala ko naghahanap ka. Sasabihin ko sanang huwag na kasi nandito naman na ako," he smirked.

Sweet Vengeance Of Innocent (Levrés Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن