Love 50

244 4 0
                                    

Love 50

3 days na nung nalaman kong negative times negative ay walang ibang sagot kundi positive. At nayayamot parin ako.

Hindi dahil ayoko dun sa nasa loob ko. Kaso, naiinis ako kasi.. DUH!? NI HINDI KO NGA ALAM KUNG ANO BANG SIZE NG BRIEF NUNG LALAKING YUN TAPOS GANITO!?

Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa kong plano ng bahay dahil sa kakaisip kung sasabihin ko ba o hindi kay Lance na may nabuo sa katangahan nya----okay fine. Naming dalawa nun sa Korea.

Napatigil ako sa pag-sulat nung may bumaba na coffee sa harap ko.

How's your day? Can I take you out for lunch? - L

Inangat ko ung mukha ako at preskong nakaupo sa dulo ng desk ko si Lance. Lecheng lalaki 'to kung kelan ayoko syang makita saka sya andito sa office ko.

Kumuha ako ng sticky note sa drawer ko at sinulatan..

LAYAS.

At saka ako tumayo at idinikit sa noo nya ung sticky note saka ako bumalik sa pag-gawa ng plano.

"Hey, anong meron dito?" Sabi nya at pinakita sakin ung note na binigay ko.

"Can't you read?" Iritado kong sagot. Ewan ko ba, lahat ng frustrations ko sa buhay sa mga tao sa paligid ko, ko sya naibubuhos. Hindi ko pa kasi nakakasabi sa magulang ko na you know.... I'm preggy. Ang nakakaalam lang is si Tito Atchide, si Kuya at si Erin. Oh, diba? Umepal pa ung pinsan ko?

"Bakit ba ang sungit mo nanaman? Namiss mo ba ako masyadon?" Nakakunot ang noo na inangat ko ung ulo ko at nakita kong nakangiti sya sakin. Hinawakan ko ung kape na dala nya at ibinigay ko sa kanya.

"Take this and get out of this room right now." Sinamaan ko sya nang tingin. Pero he doens't seem to get it-----as in at all! 

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo sinasagot ung tanong ko."

"Wala kang tinatanong sakin."

"I asked you, if I can take you out for lunch. So the answer is?" 

"No, so pwede ka nang lumabas." Inirapan ko lang sya at umupo na ako.

"What's with you? Look, I'm sorry if hindi kita natawagan o napuntahan these past few weeks. Naipon kasi ung trabaho. Pero, here I am! Free na ako."

Tumayo ako at lumapit sa kanya sabay..... "Ouch. What was that for?" 

"Para yan sa napaka-insensitive mong utak." Sinampal ko pa ulit sya sa kabila. "At para naman yan sa katangahan mo."

At ang pang-finale... Dun sa... "At para naman sa di mo pag-iingat." Madiin kong sabi at saka ko sya iniwan sa office ko.

"Hey, Bae... Ugh. Shit. Ahhh. Bae! Hey! Wait!"

Konti nalang maiiyak nako out of frustration. HINDI KO NA NGA MALAMAN UNG GAGAWIN KO TAPOS BIGLA PANG SUSULPOT TO SA OFFICE KO?

"Hey!" Binilisan ko ung lakad ko kasi alam kong nasa likuran ko na si Lance pero mas malalaki ung hakbang nya sakin kaya inabutan parin nya ako.

"What do you mean by that....?"

"Wag mo nga akong hawakan!" I said then I pushed him away. There, naiyak na ako. NAKAKAINIS KASI E!

Hindi ako nagsasalita. Buti friday ngayon at mga architects lang ang present everyfriday kaya keri lang. Walang masyadong tao.

"Nasan na b-----Oy, Bae!" Napatigil ako sa pagpunas nang mata ko nung marinig ko ung boses ni Tito Atchide.

"T-tito?"

"Teka, umiiyak ka ba?" - TIto

"A--ah. Hindi. Napwing lang. Napunta ka dito?" 

Bigla syang napatingin kay Lance. "Sino ka naman? Ikaw ba nagpaiyak sa pamangkin ko?" - Tito

"Ah, Lance Tiu." Sabi nya at nakipagshake hands kay Tito.

"Lance.. Lance.. La---IKAW SI LANCE!?" 

"Uhm--yeah?" The next thing I know is nasa sahig na si Lance at pinipigilan ko si Tito na suntukin sya ulit.

"Tarantado ka! Tingnan mong ginawa mo sa pamangkin ko!" - Tito

"What?! Wala akong ginagawa sa kanya!" - Lance

"Tito.." Pinipigilan ko si Tito kasi sabi ko naman ayaw ko ipaalam sa iba!

"Gago ka! Pagkatapos mong lagyan ng laman 'to.." Sabi ni Tito sabay turo sa tyan ko. "SASABIHIN MO NA WALA KANG GINAWA?!"

Ngayon ko lang nakita na ganito si Tito Atchide. Cool lang kasi sya palagi. Laging nagjjoke kaya it's very foreign for me to see him this way.

"T-tito. Tama na.."

Dahan dahan tumayo si Philip at humarap sakin. "T-totoo ba?" Umiwas ako ng tingin.

Alam ko ang mga klase ng lalaki na katulad ng isang Lance Philip Tiu----hindi nila kaya nang isang mabigat na responsibilidad.

Hindi sila sanay sa pagtanggap ng mga consequences sa mga ginawa nla.

Hindi nila kayang panagutan ung mga ginawa nila.

"Totoo ba, Romina?" Hindi ako sumagot pero nagulat ako sa ginawa nya.

Tawa sya ng tawa habang yakap yakap nya ako at iniikot ikot pa. WHAT THE HELL!?

"Totoo!? Magpunta tayo sa OB para makasigurado!" Hindi ako makapaniwala na nakakakita ako ng HAPPINESS sa gwapong pagmumukha ni Philip. TOTOO BA 'TO?

**

AN

Wala, boring. Happy Birthday sa aking paboritong kapatid! <3

Happy Birthday, Mikaela Thalia Young! <3

x Bae

Where is the love?Where stories live. Discover now