Love 37

238 5 2
                                    

Love 37

I feel bad~ :(

Dumaan ang birthday ng mga kapatid ko ng wala ako.

I feel bad~ :(

May problema pala ang pamilya ko pero inuna ko ang lovelife at school works ko at hindi inabala ang sarili na alamin ung mga nangyayari sa mansion.

Si Haidie wala parin. Nagaalala na talaga ako. Mukhang may alam si Kuya Erol pero ayaw nyang sabihin.

Si Cai.. Hay nako. Ang batang yun... Nasan na ba sya? Kahit ako ayaw nya naring kausapin..

Naiiyak na ako sa sobrang frustration..

Tapos.. SI Bae pa.. Biglang hindi nagpaparamdam..

Pakshet naman. :(

Kung kelan naman kailangan ko ng karamay saka wala ung mga taong gusto kong tumulong sakin.

*toktok*

"Bae."

Nagpunas kaagad ako ng luha nung may pumasok sa kwarto.

"Kuya.." Lalo lang ulit akong naiyak.

"Aish. Bakit ba? Kapanget mo kapag umiiyak." Sabi nya at pinahiran nya ung luha ko.

"Kuya.. Pwede ba kitang pagkatiwalaan?"

Natahimik kaming dalawa.. Pero naramdaman ko nalang na marahan nyang tinatapik ung likod ko..

"Syempre naman, kuya mo ako diba? Obligasyon kong pakinggan ka kapag walang gustong makinig sayo." He smiled softly at me.

Kahit pala isa't kalahating baliw tong kuya ko.. May silbi rin pala minsan.

"Kuya.. Kasi.." Naiyak nanaman ako.. Pero nanjan lang si Kuya tinatapik ung balikat ko..

"Kasi kuya, nahihirapan na ako e.." Natigilan ako sandali kasi hindi na ako makapagsalita.. "Kuya, nahihirapan na ako.." I croaked.

"Feeling ko.. Ang sama sama kong anak, kapatipd, kaibigan, at tao.."

"Bakit naman?"

"Kasi.. Kasi kuya.. Ung mga kaibigan ko.. Kailangan nila ako pero wala ako sa tabi nila.." I cried even more. Ang sakit lang e.

"Ung.. Ung.. Responsibilidad ko bilang ate nina Cai napapabayaan ko na.. Kuya, hindi na ako kinokontak ni Cai.. Nag-aalala na ako e.."

"Tapos.. Tapos.. Ang dami palang problema dito sa bahay.. Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari.."

Sobrang depression tong nararanasan ko ngayon.. Sobrang sakit. Feeling ko, hindi ako deserve ng pamilya ko.. Feeling ko.. Hindi ako deserving maging isang Young..

Feeling ko..

Hindi ako bagay sa pamilyang to.

"Isa kang Young, ha Bae? Wag mong isiping nang dahil lang dun hindi ka na namin itinuturing na kapamilya. The family that prays together stays together diba?"

Hindi ko napigilan.. Nayakap ko tuloy ung kuya ko. >______________<

"Salamat Kuya. >___< Sorry din kung lagi kitang---Err.. Tinatawag na Erin."

"Sus. -____- Bakit ba kasi di mag-sink in sa mga utak nyo na hindi ako bakla o silahis? Baliw talaga."

Akalain mo? Kahit kulang kulang sa pag-iisip tong kuya ko..

May kwenta palang kausap at napagaan nya pa ang pakiramdam ko. :)

Salamat, Erol. =))))

~

Bae : Osige! Masipag ako ngayon e! =)))))

Meheheheheheeh~ 

Where is the love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon