CHAPTER 9: ANG MGA SIDE KICKS NI MEA

10.7K 322 48
                                    

CHAPTER 9: ANG MGA SIDE KICKS NI MEA

MEA

''Mag hintay ka nga Donald! Hindi ko naririnig!'' sabi ni Harper kay Donald. Nandito kasi kami sa bukid malapit sa L.A, nandito kami ngayon nakatago sa may talahiban. Nakwento ko kasi kay Jodee, kaya lang ang daldal niya!

Nalaman tuloy ng mga 'to. Agad naka isip ng evil plan yung dalawa, si Donald, Harper  at si Twaylem ang pasimuno, Tawag pala namin sa planong 'to, Oplan break Trixie's face.

''Umusog kapa kase dun! Kita mo nang napakaluwang ng space dun! Ang taba taba mo kase kaya nasasakop mo lahat ng space!! Diet ka ineng pag di ka busy.'' sabay tulak ni Donald kay Harper.

''Pwede ba huwag na kayong magulo?? Akala ko ba tutulungan niyo ako??'' pag mamaktol ko.

''E kase to e!'' mainis inis na sabi ni Donald kay Harper samantalang si Harper nag ma make-face.

''Donald, pag talaga ganito lumalabas ugali mo!'' mainis inis na sabi ni Harper.

''Gusto mong sampalin kita gamit ng pilik mata ko?!'' sabay pamewang ni Donald, samantalang si Harper nakataas lang ang kilay.

''Tama na...'' pag aawat ko sa dalawa, dahil hindi ito ang pinunta namin dito.

''Kayong dalawa pag ko-kompyangin ko kayo diyan e! Amin na yang telescope!!'' sabay hatak ni Twaylem dun sa telescope.

''Fifi, alam mo? Props lang yang telescope. Dalawang ruler lang ang layo nina Darth sa atin e! Like Duh...'' hinagis ni Twaylem yung telescope sa may gilid.

''Props lang din yung pag tingin ko sa telescope.'' sabay tawa nito at sabay din ang siryoso ng mukha nito, yung tipong poker face. Hay, ano ba 'to? Tutulungan ba talaga nila ako?? O mag babangayan nalang sila forever.

''Mea! Mea!'' may kinuha si Twaylem sa bag niya.

''Nakikita mo to?? Mainit na tubig 'to. Nakikita mo yung mukha ni Trixie?? Ibuhos mo sa mukha niya lahat ng laman!''

''Teka, siryoso kaba Twaylem?? Pe--''

''Mea, huwag ka ngang masyadong lampayatot. Huwag kang mag alala, may back-up kaming goodbye Philippines, in case na hindi mo ma asinta. Ihahagis yan ni Donald sa pagmumukha ni Trixie!'' pagkatapos sabihin yun ni Twaylem, nag  evil laugh silang tatlo.

''BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAH!!'' parang tinutubuan na sila ng pangil at sungay

''Basta ang motto natin, GO FOR THE GINTO!'' sabay tulak ng mahina sa akin ni Donald.

''Pag di pa rin effective, ito.Heto alagang tarantula ni Venos pina kuha ko kay Jodee, ihagis mo sakanya. Mukha pa naman maarte, panigurado mamatay yan on the spot sa nerbyos pag nakita yang tarantulang yan!''

Siguro ganito talaga, once na pumasok ka sa L.A. Normal talaga na maka barkada ka ng mga budol-budol gang. Nasa isang side lang ang mga ito at parang may itim na aura na bumabalot sakanila.

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon