CHAPTER 11: SO SLOW

10.1K 338 74
                                    

CHAPTER 11: SO SLOW

DARTH

''Anong gusto mong gawin ngayon Darth?'' tanong sa akin ni Shin, nasa loob kami ng sasakyan niya. Nasa tapat din kami ng school nina Trixie.

''TEKA NGA! Huwag mong sabihing..''  Napakamot nalang ako sa ulo dahil ang dami nilang sinasabi. Dinaig pa nila si  Ate sa dami nilang tanong at sinasabi.

''Oo, basta! Hintayin niyo ako diyan. 10 minutes, or make it 20. Huwag niyo akong susundan!'' bumaba na ako ng kotse at tumayo na dun sa entrance gate ng WAGS.

---

''So Darth, anong pag uusapan natin??'' sinabi niya yun with a sweet voice with matching papikit pikit pa.

''Yung tungkol sa atin.''

''O? Anong meron?? Omg.. Don't tell me.. Yayayain mo akong mag date?' Let's go na, mag cu-cutting ako for you.'' sabay kapit nito sa braso ko.

''Uhmm.. Hindi yun ang gusto kong sabihin..''

''May problema ba baby??'' malumanay na sabi niya sa akin.

''Gusto kong tapusin na natin 'to.'' nabigla ata siya sa sinabi ko. At hindi ito agad nakapag salita.

“Hah? Pero.. mag wa-one month palang tayo iiwanan mo na agad ako? Darth..” malungkot na sabi nito sa akin.

“Trixie maganda ka, barumbado ako. Makakahanap ka naman diyan ng iba diyan.”

“AYOKO! Teka nga, huwag mong sabihing may girlfriend kang iba?” naningkit yung mga mata nito.

“Wala akong ibang girlfriend”

“Then, anong reason mo bakit nakikipag break ka sa akin??” tumaas na yung isa niyang kilay, kahit hindi niya sabihin bakas sa mga mata nito na naiiyak siya.

“Akala ko nakapag move on na ako, pero napag tanto ko.. I know it’s sounds cheesy pero,  mahal ko pa rin yung first love ko.”

“Yung weirdo na Mea bay un ang tinutukoy mo? Yung loser na yun yung gusto mo? Like walang brain, may sariling mundo, isa siyang malaking freak, She's a total mess Darth. Why her?---”

“Pwede bang huwag mo siyang pag salitaan ng ganyan, wala kang ideya kung anong pinag dadaanan niya. Siguro nga maganda kang babae Trixie at aminado ako na lamang ka kumpara kay Mea pero kahit kalian hindi mo  matutumbasan kung anong ugali ang meron siya..” She rolled her eyes at malapit na malapit na itong umiyak.

''Nag jo-joke ka lang diba? Darth..''

“Siguro nga parang kamag anak siya ni Sadako at aloof siya sa mga tao. Pero, That makes Mea different.”

“Darth bulag ka ba? Ang pangit ni MEA! Like yung IQ new wala pa sa average, ang childish niya. OMG! Nababaliw kana ba?!”

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon