7. #Bestfriend

21.7K 607 60
                                    

Chapter 7

Pumasok ako sa Philosophy class namin kung saan kaklase ko sina Stephanie at Dave, pati na rin ang kanyang exgirlfriend na si Olga.

Nagtaka ako nang hindi ko makita si Dave sa kanyang upuan. Lumakad ako at naupo sa aking upuan. "Nasaan si Dave?" Tanong ko kay Stephanie.

Lumingon pa si Stephanie sa likuran para silipin si Dave at agad ring humarap sa akin. "Hindi ko alam. Absent nga rin sya kanina sa Theology class namin eh."

Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi pa rin ba kayo nagkaka-ayos?"

Tumingin ako kay Stephanie nang may halong lungkot at umiling.

"Magkakaayos din kayo nyan."

"Pero paano kung tuluyan nang umalis si Dave dito sa Saint Patrick?"

Ngumiti sa akin si Stephanie. "Hay naku Kien, kilala ko si Dave noh."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Kahit naman napaka tarantado at napakayabang nyang bestfriend mo, halata namang hindi ka nya matitiis."

"Pero mukhang natitiis na nga nya ako ngayon eh."

"Asa. Bad boy man ang tingin sa kanya ng buong campus pero nagiging good boy sya pagdating sayo. Kasi nga mahal ka nya."

"Natatakot ako mawalan ng kaibigan, natatakot akong mawala sa akin si Dave."

Tumingin sa akin ng seryoso si Stephanie at nagbuntong hininga. Nilapit nya pa ang kanyang upuan sa akin at agad akong niyakap.

"Oh my God! Totoo ba ito?"

Naagaw naman ng grupo nila Olga ang atensyon namin ni Stephanie. Tumingin kami sa kanila at nakita namin na nagkakasiyahan sila sa kwentuhan.

"Tapos, saan ka nya dinala kagabi?" Tanong nung isa kay Olga.

"Well, nag-dinner lang naman kami then we went to his condo in Makati," sagot ni Olga.

"Ano bang pinag-uusapan nila?" Tanong ni Stephanie.

"H-Hindi ko rin alam eh."

"Look at this picture, I took a picture of him habang magkasama kami kagabi," sabi ni Olga habang pinapakita sa mga kaibigan nya ang kanyang phone.

"Nyaaah! Ang cute nya talaga!" Malalanding reaksyon ng mga kaibigan ni Olga.

"I don't think he's cute, for me he is fucking hot."

"Don't tell me na may nangyari na agad sa inyo kagabi?"

"Hey, shut up! Im not a cheap girl para gawin yun noh."

"So wala talaga?"

"Of course wala, bahala syang maglaway habang magkasama kami noh. You know what, gusto ko na talagang umuwi kagabi matapos naming mag-dinner pero nagmakaawa pa sya na sumama ako sa condo nya. Edi pinagbigyan ko nalang sya."

"Grabe, halatang baliw na baliw sayo si Yvan Rodrigo."

"WHAT?!" Sigaw ni Stephanie. At dahil sa sigaw nya ay napahinto sa pag-uusap ang mga kaibigan ni Olga at napatingin sa amin.

Pero mabuti na lamang ay magaling lumusot itong si Stephanie. "Ano Kien?! Nakita mo si Alden Richards in person?!"

At syempre, sumakay naman din ako. "Oo! Ang gwapo nya talaga! Bagay na bagay sila ni Yaya Dub!"

Look at this Richest man [COMPLETED]Where stories live. Discover now