44. #MostPainfulActs

12.9K 412 51
                                    

Book 2? Yes po. May book 2. Paki-check nalang sa works ko. Nandoon na po ang teaser.

Chapter 44

"Strawberry cheese cake and one regular mango shake."

"150 pesos po lahat ma'am."

Inabot ko ang bayad ko at agad naman nyang binigay ang order ko.

Lumakad ako para lumabas ng school canteen nang mapahinto ako sa aking nakita.

Nakita ko si Yvan na nakaupo sa harap ng mesa kung saan kami laging sabay na kumakain. Katulad ng dati, punong-puno pa rin ng pagkain ang mesa ngunit hindi pa ito nagagalaw. Naglalaro lang sya sa kanyang PSP.

Maya-maya lang ay binaba nya ang PSP nya at nagmasid-masid sa paligid na para bang may hinahanap.

Bago nya pa ako makita, minabuti ko nang lumabas ng canteen.

Nang makarating ako sa exit ng canteen ay muli ko pa syang nilingon. Napabuntong hininga sya marahil hindi nya makita ang kanyang hinahanap. Kinuha nya ang PSP na nakapatong sa mesa at muling binaling dito ang kanyang atensyon.

"Kien."

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Dave. Ngumiti sya sa akin at agad na umupo sa tabi ko.

"Kamusta ka na?"

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang. Saan ka galing? Bakit di ka daw pumasok kanina sa class nyo sabi ni Stephanie?"

Napakamot sya sa ulo. "Tinanghali ako ng gising eh."

"Bakit? Naglasing ka na naman kagabi?"

"H-Hindi ah."

Tiningnan ko sya sa kanyang mga mata hanggang sa umiwas sya.

"Tsk. O sige na, nag-inom na ako kagabi."

"Hindi ka man lang nagyaya."

Kumunot ang noo ni Dave habang nakatingin sa akin. "Kien?"

"Bakit? Bawal ba akong mag-inom kasama ang bestfriend ko?"

"P-Pero hindi ka naman nag-iinom di ba?"

"Matanong nga kita Dave, bakit ka ba nagpapakalasing?"

"Ha?" Tapos umiwas sya ng tingin sa akin. "W-Wala lang."

"Nag-iinom ka kasi gusto mong kalimutan ang mga nangyari."

Tumingin sa akin si Dave at nagbuntong hininga.

"Dave, hindi lang naman ikaw ang nasaktan eh."

"Alam ko yun. Kahit naman ilang beses mong sinabi sa akin na hindi ka seryoso kay Yvan, alam ko naman na mahal na mahal mo sya."

Ngumiti ako sa kanya. "Nakapag-usap na ba kayo ni Olga?"

"Hindi pa. Hindi ko alam kung kaya ko pang humarap sa kanya."

"Bakit hindi mo kakayanin na humarap sa kanya? Hindi naman ikaw ang nakagawa ng kasalanan. Sya itong nanloko sayo. Kung mayroon mang mahihiya humarap sa inyo, she should be the one."

Tumingala si Dave. "Hindi ko kayang humarap sa kanya kasi mukhang masaya naman na sya sa kinalalagyan nya ngayon."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Wag mo nang isipin yun."

Hinatak ko ang braso nya. "Dave, please."

Napatingin sya sa akin at napabuntong hininga. "N-Nakita ko kasi sya sa canteen kanina."

Look at this Richest man [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon