47. #BagoNya

13.2K 383 29
                                    

Chapter 47

"Mali ba yung desisyon na ginawa ko?" Tanong ko kay Mandy.

"Hindi naman natin malalaman yan sa ngayon e. Sa takdang panahon, doon natin malalaman kung tama ba o mali ang ginawa mong pagpayag na ligawan ka ni Dave. Soon we will find the answer to your question. Either maging okey kayong pareho or lalong maging worst ang lahat."

"Natatakot ako. B-Baka kasi pati yung pagkakaibigan namin maapektuhan."

"Ano pa ba ang aasahan mo? Syempre kapag nagkasakitan kayo, sa tingin mo ba makakabalik pa kayo into level one? It's not that Mary Kien. Para lang yang chess competition, if you touched it, you have to move it."

Napabuntong hininga nalang ako. Sana naman hindi ako nagkamali sa desisyon na ginawa ko.

"Nasaan pala si Stephanie?" Tanong sa akin ni Mandy.

"Hindi ko nga alam e. Kanina ko pa sya hindi nakikita."

"Mukhang may tinatago na naman sa atin yang kaibigan natin ah." Tapos sabay kaming tumawa.

Matapos naming magkwentuhan habang naghihintay sa next class namin ay lumakad na rin kami para pumasok.

"Uhmm...Kien, dito nalang tayo dumaan," sabi ni Mandy.

Napakunot-noo akong tumingin sa kanya. "Bakit ang layo? Dito sa Marcos Building tayo di ba?"

"Ha? W-Wala lang. Trip ko lang. Halika na." Kumapit sya sa braso ko at agad akong hinigit.

"Sandali lang!" Inis kong sabi nang may napansin ako.

"Tara na Kien."

Hinawi ko ang mga kamay ni Mandy at tiningnan ko ang paparating na sasakyan ni Yvan. Napabuntong hininga nalang si Mandy.

Nang huminto ang sasakyan ni Yvan ay agad syang bumaba. Lumakad sya papunta sa kabilang pinto at binuksan iyon. Nakatayo lang ako pero bakit tila bigla akong hiningal nang makitang may babaeng bumaba sa kotse nya.

"Kien." Sambit ni Mandy. Pero hindi ko sya pinansin.

Maganda yung babae, sexy at halatang sosyal. Malayong-malayo sa akin. Sa datingan nito, ganito talaga ang siguradong magugustuhan ni Yvan.

Napansin ko na tila nag-uusap sila pero hindi na namin iyon naririnig mula sa kinatatayuan namin. Tila natatawa pa ang babae at marahang hinahampas si Yvan sa balikat.

Umakbay si Yvan sa bago nya at hinalikan nya pa ito sa pisngi bago sila lumakad paalis. Sinundan ko sila ng tingin.

Napabuntong hininga nalang ako. Tatlong araw palang simula nung huli kaming mag-usap ni Yvan, simula nung gabi na puno ng iyakan sa loob ng kanyang sasakyan. Tatlong araw palang simula nung umiiyak akong bumaba sa kotse nya. Tatlong araw palang ang nakalipas simula nung giniit nyang mahal nya ako. Tatlong araw palang. Pero ito na ngayon, matapos ang tatlong araw, ibang babae na ang kasama nya. Tatlong araw palang, ibang babae na ang sakay nya sa kotse nya. Ganun ba talaga kadali mag move-on ang mga lalaki? Tatlong araw lang?

Sorry ha, first time kong pumasok sa isang relasyon, at hindi ko alam kung paano ang tamang proseso ng paglimot at ang difference ng pag move-on ng isang babae at lalaki. Bakit feeling ko tatlong buwan sa akin? Nagsisimula palang ako pero tila tapos na sya. Edi wow!

Lumakad kami ni Mandy papunta sa freedom park at naupo sa isang bench.

Tiningnan ako ni Mandy ng seryoso. "Sabi ko naman kasi sayo e, umalis na tayo."

Bahagya naman akong natawa. "Okey lang ako noh. Parang yun lang." Pero hindi e, ang lakas ng impact sa akin. Para nya akong sinampal at sinigawan na ganun nya ako kadaling kalimutan.

Look at this Richest man [COMPLETED]Where stories live. Discover now