8. #WeirdestDate

20K 558 13
                                    

Chapter 8

"Ehem ehem!" Ginawa ko na ang lahat para mapansin ako ni Yvan Rodrigo pero busy pa rin sya sa paglalaro sa PSP nya.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kanyang sasakyan dahil nga bigla nalang nya akong hinatak kanina at sinabing mag-date daw kami. Wala naman akong nagawa dahil natakot na rin ako sa kanya.

Date ang sabi nya di ba? Sa pagkakaalam ko, kapag sinabing date ay maglilibot kami sa isang magandang lugar o di naman kaya ay magdi-dinner sa isang restaurant. Pero bakit kami nandito? Bakit kami huminto sa gilid ng isang madilim at tahimik na talahiban?

Ito na ba ang modernong pamamaraan ng pagde-date ngayon? Kung sabagay, mas okey na ito kaysa magbiglang liko kami. Mas nakakatakot yun.

"Ehem!" Muli akong nagpapansin pero dedma pa rin sya.

Mag-iisang oras na ata kami dito sa loob ng kotse habang nakahinto sa gilid ng tahimik na kalsada pero hindi pa rin kami nag-uusap dahil nga nasa PSP pa rin ang kanyang atensyon. Hindi pa ba malolowbat yan?

"Yvan," mahina kong sabi. Tiningnan ko ang mukha nya at tila seryosong-seryoso sya sa kanyang nilalaro. "Uhm...Yvan," muli kong sambit.

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Uy Yvan.."

"FUCK!"

Napabalikwas ako sa sobrang gulat nang bigla syang sumigaw kasabay rin ng pagpukpok nya sa busina ng kotse. Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa takot. Diyos ko, ano bang nangyayari sa kanya?

Tila nanggagalaiti nyang tinanggal ang baterya ng PSP at agad na hinagis sa likod ng kotse at ang PSP naman ay hinagis nya banda sa harapan ng manibela.

Tumingin sya sa akin kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

Ilang saglit lang ay narinig ko na sumisipol sya. Dahan-dahan kong binalik ang mga mata ko sa kanya at nakita ko syang nakasandal habang nakatingala.

"Uhm...Yvan."

Napahinto sya sa pagsipol at tumingin sa akin na parang nagtatanong.

"H-Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko.

Tumingin sya sa kanyang relo at muling tumingala. "It's too early," tipid nyang sagot.

"P-Pero baka kasi hinahanap na ako ng daddy ko."

Hindi naman na sya sumagot bagkos ay muli syang sumipol habang nilalagaktak ang daliri sa manibela.

"Yvan.."

Pumikit pa sya habang patuloy na sumisipol at hindi man lang nagawang sumagot.

"Uy Yvan Rodrigo."

Muli syang dumilat at tumingin sa akin. "What?"

Tila nailang naman ako sa tingin nya kaya napayuko na lamang ako. "Uhm...d-dito lang ba talaga tayo? Wala ba tayong ibang pupuntahan?"

"Why?"

Sinilip ko sya at nakita kong nakatingin pa rin sya sa akin. Grabe, nakakatunaw talaga ang mga titig nya. Muli akong yumuko dahil sa sobrang ilang. "N-Nakakabagot kasi dito eh. Uwi na tayo."

"I don't want."

"Pero kasi gabi na eh. At saka nakakatakot dito, baka mamaya kung ano pa ang makita natin dito."

Hindi naman na sya sumagot kaya napatingin ako sa kanya, at nakita kong busy sya sa kanyang phone. Kanina PSP, ngayon naman cellphone.

Sumandal ako at saglit na pinikit ang aking mga mata. Ilang saglit lang ay muli akong napadilat nang tumunog ang cellphone ng Richest man.

Look at this Richest man [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon