Chapter 3: +639

1.9K 77 16
                                    

"Patingin nga ako sa Jacob na yan!" sigaw ni Jenn, best friend and dorm mate ko, at inagaw sakin ang phone ko para i-search sa Facebook si Jacob.


Hinayaan ko na lang siya. "Ano nga ulit pangalan niya sa Facebook? Jacob ano?"


"Jacob Andrew Cua," tipid kong sagot at bumaling sa laptop ko.


Nakakainis naman kasi tong Life and Works of Rizal. Akala mo naman kakailanganin ko sa pagkuha ng dugo ng mga pasyente.


Ano yon? Habang nagtuturok ako ay chinichika ko siya sa mga ex ni Rizal? Pwe!


Buti ngayon second year ay ibinigay na ang subject na 'to samin dahil konti pa lang ang majors ngayong taon. Kung isasabay nila to sa proper ng course ay ikamamatay ko.


"Oh my gee, bru! Bet! Pak na pak!" irit ni Jenn at pinaghahampas ako.


"Ano ba, Jenn? Masakit!"


"Ang swerte mong babae ka! Imagine? Napansin ka ng ganitong kagwapong lalaki?!"


Umirap ako.


"Edi sayo na," walang gana kong sabi.


"Che. Meron na akong Fafa Kenneth."


Oo nga pala. Lumalablayp na ang kaibigan kong 'to. May nanliligaw na sa kanyang varsity ng basketball ng uni nila. Big time ang lola niyo.


Magkaiba kasi kami ng uni na pinapasukan ni Jenn. Kasi wala sa uni nila yung course na gusto ko. Kaya sa kabilang uni na lang ako.


"Hoy, bru. Kapag pinatos ka nitong Jacob na to, G na ha? Wag nang paligoy- ligoy. Pak na pak kasi talaga, te."


"Anong pinagsasasabi mo? Parang pinahiram lang ng payong e," maarte kong sagot.


Nakita ko siyang nag roll eyes. "Girl, may meaning yon. Ibig sabihin, type ka niya at yun ang way niya para makipagkilala sayo. Nu ba, girl?"


Inalis ko na sa laptop ang atensyon ko at binalingan ang kaibigan. "Yan tayo e. Pinahiram lang, binigyan na ng meaning. Pinahiram lang, iniisip na na type ako. Hindi ba pwedeng he's just trying to be a gentleman dahil nababasa na ako sa ulan at sira ang payong ko? Just by that manly act, aasa na ako na type niya ako? Jusko, mga utak talaga ng babae. Kaya nasasaktan e."


Sumimangot naman si Jenn sa lecture ko. "Oo na. Ikaw na bitter sa love. Bahala ka na nga sa buhay mo! Ganyan ka naman e."


At hindi na niya ako kinausap pagkatapos noon, bagkus ay gumawa na rin siya ng school works niya.


I sighed at kinuha ang phone ko na iniwan niya sa desk.


If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon