Chapter 6: Until Next Time Daw

1.5K 58 12
                                    

Lia: Mi, punta alis ako sa apartment ha.

Mommy: Bakit? Pasaan ka?

Lia: Sa mall po. Sine.

Mommy: Sino kasama mo?

Lia: Si Francis, Daphne, at Jenn po.

Mommy: Anong oras?

Lia: Ngayon na po.

Mommy: Bakit ngayon ka lang nagpaalam?

Lia: Kagabi lang po napag-usapan. E baka tulog na kayo kaya di na ko nagpaalam.

Mommy: Osya sige. Wag magpapagabi.

Lia: Okay po. Love you.

Mommy: Ok. Ingat. Love you too.

I sighed nang payagan ako ng mommy ko.

Actually, bihis na ako ngayon at hinihintay ko na lang si Jenn matapos mag-ayos. Sabay na kami pumuntang mall para makipagkita kina Francis at Daphne.

Si Francis ang nag-aya manood. Dahil daw katatapos lang ng midterm, we should treat ourselves daw. At since, tapos na rin ang exams nina Jenn, isasama na namin siya.

Speaking of term-ender, naalala ko yung nangyari sa Yellow Cab.

May nililigawan na pala si Jacob.

Sayang.

Nailing ako sa naisip. Why would I think of that? I have no plans of falling in love.

Pero hindi ko mapigilang mag-isip. Bakit siya pumunta sa school kahapon? Dahil lang hindi ako nagreply sa kanya? Dahil lang doon? Psh. There must be another reason.

"Tara na." nabalik ako sa ulirat nang yakagin na akong umalis ni Jenn.

Nagcommute lang kami papunta sa mall. Hindi kami rich. Wala kaming sariling kotse.

Nang makarating sa Wendy's, kung saan namin napag-usapan na magkita, ay namataan ko agad si Francis na nakangiting aso sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Bakit ganyan ka makangiti?" bungad ko.

Bumeso muna siya sa amin ni Jenn bago sumagot. "Wala lang. Masaya lang."

Hindi ko na lang pinansin ang kawierduhan ng baklang yon. Hinintay pa namin ng mga ilang minute si Daphne bago umorder ng kakainin sa loob ng cinema.

Pagkatapos noon ay nagpunta na kami sa floor kung nasaan ang cinemas.

Napansin kong naghahagikhihkan si Francis at Daphne. Nang tingnan ko sila ay bigla naman silang tumigil sa bungisngisan nila. Nagkatinginan kami ni Jenn at sabay na nagkibit balikat.

Pipila na sana ako sa bilihan ng ticket nang pigilan ako ni Francis.

"Wait lang, Lia. Meron na tayong ticket."

"Oh? Nakabili na kayo kanina?" takang tanong ko.

Umiling si Francis." Nope. May nanglibre."

Kumunot ang noo ko. "Sino? Ikaw? Imposible. Kuripot ka e."

Sinimangutan ako ng bakla. "Aray ha. Hindi ako, te." Ngumuso siya sa likod ko. "Ayun ang nanglibre."

Nilingon ko ang tinuro ng nguso ni Francis at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino.

Parang nawala yung mga tao sa paligid. Parang nagslow mo lahat. Everything's a blur. Tapos parang may kumikiliti sa tyan ko na gusto kong palisin kaso hindi pwede dahil sa loob nanggagaling yung kiliti.

If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon