Chapter 13: The Cove is the Witness

1.3K 60 7
                                    

Pagkatapos akong takbuhan ni Jacob ay hindi na niya ako kinontact hanggang magpasukan kami.

Sinibukan ko siyang tawagan, itext, imessage sa FB, i-DM sa twitter at Instagram, pero wala! Hindi niya ako pinapansin!

Magsasabi siya ng ganun sakin tapos hindi niya ako papansinin?! Lokohan ba 'to?!

Kaya naman nagpatulong ako sa mga kaibigan ko para makausap si Jacob. Pati sila ay nainis sa inakto ng loko noong kinwento ko sa kanila ang nangyari.

Nang dumating ang isang long weekend ay nagkayayaan na mag-out of town kami at mag-adventure sa Zambales. Sa Anawangin Cove to be exact, via Mt. Pundaquit.

Hindi na kami nagkita-kita, nagpadaan na lang kami ni Jenn sa apartment namin.

Nang makitang nakaparada na ang van na hinire namin sa tapat ng apartment ay agad akong kinabahan.

Alam kong nasa loob si Jacob at hindi ko alam ang iaakto ko kapag nagkita na ulit kami.

I sighed.

Bahala na si Batman.

Nakita kong may bumabang dalawang lalaki. Base sa built, ay si Enzo at Tom yon.

I snorted. Ang duwag talaga ha? Yung kaibigan niya pa talaga ang pinababa para tulungan kami sa pagbubuhat ng dalang gamit. Sabagay, isang malaking camping bag lang naman ang dala ko.

I started walking towards the van. Nauuna sa akin si Jenn.

Palakas ng palakas ang kalabog ng dibdib ko habang papalapit sa van.

Nang mabuksan ang pinto sa sasakyan ay sa likod pumwesto si Jenn kung saan last seat na yong inupuan niya. Kaya no choice kundi sa unang row ako, kung saan naroroon si Jacob.

I sighed at sumakay na.

Naupo ako sa tabi niya.

Hindi niya ako pinapansin dahil nakapikit siya at nakapasak ang earphones sa tenga kaya naman hindi ko na lang siya inistorbo.

When everything was settled, umandar na muli ang van at ang lahat ay tahimik dahil madaling araw pa lang naman.

I tried getting some sleep, but with the guy, who just confessed his 'love' for me, just sitting beside me, ay hindi ko nagawa ang makatulog.

Pinakiramdama ko si Jacob.

I know he's awake. Pero, sige. Pagbibigyan ko siya ngayon.

Hanggang makarating kami sa destinasyon ay hindi kami nag-imikan kahit gising na kaming lahat. Ramdam din ng iba ang awkwardness sa pagitan namin. They probably heard the news. Si Francis ay panay ang silip sa akin sa salamin sa harapan, kung saan sila magkatabi ni Daphne. Iniirapan ko na lang sila tuwing magkakatinginan kami.

Nagsimula na kaming mag trek at ganun pa din. Tahimik lang kaming dalawa ni Jacob habang nag-iingay ang mga kaibigan namin.

It was a five hour hike. Kaya naman yon ng four hours kaso dahil makukulit kami, umabot kami ng five hours bago nakarating sa Anawangin Cove.

Tanghali nang makapag-settle down kami. Nag set up muna kami ng tent at ng mga lutuan.

The girls prepared lunch. Mayroon kaming mga delata at mga timpladong ihawin. The boys were getting logs for the camp fire mamayang gabi.

"Oy, girl. Anyare, ha?" Francis broke the silence habang nagtutusok kami ng karne sa stick. Of course, he's a girl. Asa namang sumama yan sa boys sa pagbubuhat ng mga kahoy.

"Ako bang kausap mo?" sabi ko sa isang palabirong tono.

"Ay, hindi. Si Dap hang kausap ko kasi sa kanya in love si Jacob," pamimilosopo ng bakla na ikinatawa ni Jenn at Daph.

If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon