Chapter 18: Somehow

1.1K 60 1
                                    

Hindi ko kayo natiis haha. Here's another chapter. Baka hanggang 20 na lang 'to.


Sorry for the typos.


--------


"Cleared your head?" I heard my mother ask me.

Andito na ako sa Batangas at pinag-iisipan ko pa kung kailan ako pupunta sa Manila para kay Jacob- este para makita ang barkada.

Nginitian ko ng pilit si mommy. Lumapit naman siya sakin.

Andito kami sa garden ng bahay. Nagmimiryenda. Wala si daddy. May inaasikaso sa site.

"Kailan ka luluwas?" tanong ni mommy.

Nagkibit balikat lang ako bago uminom ng iced tea.

"I saw the photo on Facebook."

Kunot-noo ko siyang binalinga. "Anong photo?"

"Yung nakatag kay Jacob," sagot niya ng nakangisi.

Tuluyan na yatang nagsalubong ang kilay ko. "Stalker."

She giggled. "Friend ko kaya siya sa facebook."

Psh. Minsan pinananalangin kong hindi na lang naging bagets ang nanay ko.

After a moment of silence, she spoke again. "Ano nang plano mo?"

Nagkibit balikat ulit ako. This time, sumimangot na si mommy.

"Alam mo, yung babaeng kapatid at pinsan ng daddy mo, 40 years old na ngayon pero wala paring asawa."

Binalingan ko siya. I know what she's doing. Tinatakot niya ako!

I felt her hand on my ear. "At alam mo ba, sabi nila kapag pearl daw ang earings ng babae, tatanda siyang dalaga."

I unconsciously touched the earing that I'm wearing. Pearl nga yon.

"Urgh," ungol ko. "Fine! Luluwas na ako bukas! Ibabalik ko na din ang dati kong number para macontact siya!"

Tumawa si mommy. "Minsan kasi, kailangan mo ring kumilos. Hindi yung go with the flow lang."

"Oo na, mi. Ikaw na ang love expert."

She smiled and hugged me. "Dalaga na ang anak ko."

Umirap naman ako. "Matagal na akong dalaga."

She giggled again. Bakit parang mas kinikilig pa yata ang nanay ko kesa sakin?

KATEXT ko ngayon si Francis. I told them na makikipagkita na ako. Wala rin naman silang pasok ni Daphne. Hindi ko lang alam kina Jacob kasi quadsem nga sila. Si Jenn naman ay hindi rin pwede pero sabi niya ay we got the whole apartment to catch up.

Francis: Pa-reserve ka na ng table, 'te.

Lia: Friday's na? Sure?

Francis: Oo daw .

Kumunot ang noo ko.

Lia: Sinong may sabi?

Francis: Si Daph.

I sighed.

Lia: Ahh. Kasama ba yung apat?

Francis: Sinong apat?

Lia: Sina Law.

Francis: Asus. Bakit hindi mo itext?

Lia: Smart si Law.

If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon