Christmas Special

1.4K 57 7
                                    

Special Chapter

December 17 nang tumawag sakin si mommy.

"Bakit, mi?"

"Last day of classes niyo na diba?"

"Opo. Katatapos lang ng last exam ko kanina. Bakit po?"

"Bukas ka na uuwi?"

"Yes, mi. Bakit?"

"Isesend ko sa'yo yung listahan ng mga bibilhin ko dapat. Ikaw na lang ang bumili. Dumaan ka sa SM. Sa San Lazaro or sa MOA, ikaw na bahala."

"Ano ba mga yon, mi?" tanong ko naman, thinking it would only be groceries.

Pinutol ni mommy ang tawag dahil isesend na daw nya sakin yung listahan.

"Bakit tumawag si tita?" tanong ni Jacob na katabi ko ngayon sa sofa ng apartment namin ni Jenn, naglalaro ng PSP niya.

Tapos na ang exams namin parehas at bukas ay simula na ng bakasyon.

"May ipapabili daw," sagot ko at hinintay ang listahan na sinasabi ni mommy.

Napamura ako nang makita ko na ang listahan na yon.

"Bakit?" gulat na tanong ni Jacob at nakitingin na rin sa phone ko. "Ano yan?" pahabol na tanong niya.

Hindi ko siya nagawang sagutin dahil nagscroll down ako sa haba ng listahan ng mga bibilhin ko bukas.

Nahulaan ko na ang mga yon ay ipapa-raffle ni mommy sa mga tauhan nila ni daddy sa Christmas party. Yong iba naman siguro ay para sa mga inaanak nila. At may roon pang mga bilihin na naka-specify na sa S&R lang daw meron noon.

Pati si Jacob ay nakanga-nga rin nang silipin ko siya.

Nagring ulit ang phone ko. Si mommy.

"Mommy, ano yon?!" pabalang kong tanong, not in an offensive way –if that is even possible.

I heard my mother giggle from the other line.

"Please, anak? Maganda naman ireregalo namin sa'yo ng daddy mo, e."

"Pero, mi..." angal ko kahit nakaramdam ako ng konting excitement sa kung anumang regalo na yon.

"Sasamahan ka naman ni Jacob, diba?"

At dahil nakikiusyoso si Jacob, kahit hindi nakaloudspeaker ang tawag ay narinig niya yon.

"Yes, tita. Sasamahan ko si Lia."

I sighed. May Jacob na nga pala ako na sasamahan ako sa mga lakad ko. Hindi na ako Team Forever Alone.

"Fine," sabi ko na lang. Basta kasama si Jacob.

When the call ended, I looked at Jacob helplessly na ikinatawa niya.

"Hayaan mo. Ako magbubuhat niyan. Iniwan naman ni ate ang kotse niya. Hindi tayo commute," he said at inakbayan ako bago hinalikan sa gilid ng ulo.

"Kelan tayo mamimili?" tanong ko.

"Kelan mo gusto?" he asked back which gained him an eye-roll from me.

Saglit akong nag-isip. Tiningnan ko ang oras sa phone ko at nakitang pasado 1pm pa lang.

"Kaya ba natin kung ngayon?" I waited for his answer.

"Patingin nga ng listahan," he said at ipinakita ko yon.

Muli siyang napanga-nga kaya natawa ako. "Ano? Kaya ba?" I asked again.

"Siguro? Pero kung hindi natin kaya, pwede namang bukas bago tayo bumyahe pauwi sa inyo."

Yes, kasama ko si Jacob umuwi bukas.

If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon