Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

Chapter 1

243K 3.1K 47
                                    

Lunes, isang normal na umaga para kay Alisson. Papasok na naman siya sa University na pinapasukan nila ng kanyang Ate Adi.

"Hi, Adi. Good morning."

"Hello, Adi. Ang blooming mo ngayon."

"Good morning, Adisson."

As usual, tuwing umaga na pumapasok sila sa University ay laging ang Ate Adisson ang nakikita ng mga tao. Katulad silang lahat ng Papa niya na walang ibang napapansin at pinupuri kung hindi si Adisson.

Sabagay, sino nga ba siya? Isa lang siyang nerd na nakakubli ang mukha sa makapal na salamin at braces. Hindi katulad ng Ate niyang halos 'di mo makilala sa kapal ng make-up.

Tahimik na nakasunod lamang siya sa Ate niya. Animo isa siyang alalay na dala ang mga libro nito.

"Babe!" Isang baritonong tinig ang nagpaangat sa kanyang mukha mula sa pagkakayuko. Ang boses na iyon ay ang kinahuhumalingan niya simula nang mag-aral siya sa Unibersidad na pinapasukan niya ngayon. Lumapit ito sa kinaroroonan nila at binigay ang isang pumpon ng red roses.

"For you, Adisson," sabi ng binata at inabot ang pumpon ng rosas sa kanyang Ate. Masakit.

Tiningnan lang ito ng kanyang Ate at pilit na ngumiti.

"Ahm thanks, Jayred," sagot ng kanyang Ate sa binata.

"So, I hope you liked it. Pa'no, aalis na ako? See you around. Need to go. Bye, Adisson and Alisson," paalam ng binata at tuluyan nang umalis.

Sumimangot naman ang Ate niya pagkaaalis ni Jayred.

"Ayoko naman sa kanya! I want his cousin!" naiinis na sambit nito. Gusto niyang batukan ang Ate niya dahil sa sinabi nito. Si Jayred ay mahal na mahal niya simula pa lang samantalang ang Ate niya ang nagustuhan nito pero binabalewala lang ito ni Adisson.

Itinapon ng Ate niya ang bulaklak sa basurahan sa may gilid nila. Kinuha nito ang mga libro mula sa kanya at umalis na. Iiling-iling na rinampot niya ang mga iyon. Itatago na lang niya.

***

Nang hapong iyon ay alam niyang may laro ang team ni Jayred. Team captain ito sa basketball sa University nila. Lagi niya itong pinanonood at kinukuhanan ng mga pictures na patago.

Pagpasok pa lang niya ng gymnasium kung saan gaganapin ang laro ay punong-puno na iyon ng mga tao. Karamihan ay kababaihang may dalang banners upang suportahan ang magkabilang teams.

Naghanap siya ng mauupuan at umupo na rito. Nagsimula na ang laro at nananalo ang team nina Jayred. Napangiti siya nang maalala ang una nilang pagkikita ng binata. Dito rin iyon sa gymnasium na ito. Gusto niyang layuan ang mga nambu-bully sa kanya kaya nagtago siya rito. Hindi niya alam na may ibang tao pala. Natamaan siya ng bola dahil nagpa-practice pala si Jayred noon.

Nagulat na lang siya nang makitang nakatingin sa kanya ang binata. Pero mas nagulat siya nang makitang papalapit ito sa kanya.

"Hi! Si Adi?" tanong nito paglapit pa lang sa kanya. Medyo nalungkot siya sa tanong nito pero ano pa nga ba ang aasahan niya? Malamang ay hindi siya nito lalapitan kung hindi dahil sa kanyang Ate.

"W-wala rito," sagot niya at yumuko. Alam niyang disappointed ang binata.

"Ah, sige. Enjoy the game," paalam nito at muling bumalik sa teammates nito.

LEGENDARIE

Don't look Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon