Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 14

186K 3.3K 708
                                    

"A-anong nangyari sa 'kin?" Pinilit kong sumandal sa headboard ng kama kahit parang nauubusan ako ng lakas. Pagmulat ng mga mata ko ay alam ko nang nasa ospital ako. Alam na alam ko because I hate this place.

Nakatingin lang nang mataman sa akin si Sky. Nakasandal siya sa sofa na nasa gilid ko.

"Sky? Ano'ng nangyari?"

Hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya nang masama sa akin kaya kinabahan ako.

"Allergic ka sa pills kaya hindi ka nakahinga nang maayos," simple niyang sagot at tumayo na.

"Gano'n ba? Salam―"

"Ibinibigay mo pala ang sarili mo sa gagong 'yon," pilyo siyang ngumisi nang may pang-uuyam.

"S-sky, asawa ko―"

"TANG INA!" Napakislot ako nang padabog niyang itinaob ang silya malapit sa akin.

"S-sky..."

Bakit ganito siya ngayon? Nakakatakot.

"Iiwanan ka rin ng hayop na 'yon! Lalo na dahil nandito si Adisson!" bulyaw niya sa akin at napahilamos siya ng mukha.

"Sky, m-mahal ko―"

"Mahal ka ba? Huwag kang tanga, Alisson!"

Napahagulhol na ako sa sinabi niya. Tinamaan kasi ako.

"Wake up! Matalino ka! Sa tingin mo ay deserve mo siya? You deserve someone like me!" Binato niya ang vase sa gilid ko kaya lalo akong napaiyak. Nakakatakot siya.

"T-tama na, Sky." Nagsumiksik ako sa headboard ng kama hanggang sa wala na akong maatrasan.

"Kung sex lang ang gusto mo, sana ay sinabi mo sa akin! At least ay mahal kita." Hinubad niya ang shirt na suot niya kaya napasigaw na ako.

Natatakot ako. Kinakabahan ako.

"Ano bang gagawin mo? S-sky! A-ano ba ang nangyayari sa 'yo?"

Gusto kong tumayo at magtatakbo pero masakit ang buong katawan ko at hinang-hina ako. Wala akong lakas.

"Ako naman, Alisson! Try me! Mas magaling ako sa kanya!"

Tinakpan ko ang sarili ko nang papalapit na siya. Nanginginig ako sa takot. Ibang Sky ang nakikita ko ngayon.

"Sky!" Pinipilit niyang punitin ang suot ko pero nanlalaban ako hanggang kaya ko.

"Come on, Ali. Try me." Hinawakan niya ang buhok ko. Halos sabunutan na niya ako habang hinahalikan ang leeg ko.

"No, Sky!" Itinutulak ko siya pero hindi siya natitinag. Wala akong kayang gawin kung hindi umiyak lang nang umiyak.

"Jayred," humihikbi kong naibulong. Siya lang kasi ang laman ng utak ko at umaasa akong darating siya at tutulungan ako kahit imposible.

"SKY!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang asawa ko.

Jayred. Dumating nga siya.

Napatigil si Sky sa ginagawa at inilang hakbang lang ni Jayred ang pagitan namin.

"Demonyo ka!" Hindi ko namalayang nasa sahig na pala ito at putok ang mga labi. Hindi pa man nakakatayo si Sky ay sinuntok na naman siya ni Jayred.

Sigaw lang ako nang sigaw habang humihingi ng tulong. Duguan na ang mukha ng pinsan niya ngunit ayaw pa rin niyang tumigil.

"Fuck you, asshole! Gago ka! Akala mo, kung sino kang matino! Damn you, Sky! Papatayin kita!" Hindi siya tumitigil sa pagbugbog sa pinsan niya.

"Tama na!" Hindi ko napigilang umiyak pero wala siyang pakialam.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay MVD, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni MVD
@LegendArie
Old-fashioned and nerdy Alisson is in love with her sister's fiancé...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 47 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @LegendArie.
Don't look Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon