Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 11

154K 2.4K 188
                                    

Tulad kahapon ay nagising akong masakit ang katawan dahil hindi na naman niya ako pinatulog. He is so eager at parang walang kapaguran.

Nilingon ko ang orasan sa gilid at napatapik ako sa noo nang makita ang oras. It's already nine in the morning pero heto pa rin ako at nakahiga sa kama.

Buti na lang at walang pasok ngayon. Wala na si Jayred sa tabi ko kaya bumangon na ako at tinungo ang banyo. Masakit ang ulo ko at kumakalam ang tiyan ko dahil hindi ako nakakain kagabi.

I was about to cook kahapon pero laking gulat ko nang umuwi siya agad. Sobrang nahihiya ako sa ayos kong naabutan niya. I am fresh from the bath at isiningit lang ang pagluluto.

I am singing and dancing for damn sake! Nakakahiya talaga.

Kumuha ako ng toothpaste mula sa cabinet kaya natanaw ko ang pills na ibinigay niya sa akin.

Shit! Hindi ako nakainom kahapon dahil masyado akong nainis sa sinabi niyang ayaw niyang magkaanak lalo na sa akin. Mamaya na lang ako iinom kapag may laman na ang tiyan ko.

Nagsimula na akong maligo at magbihis. I wore a pair of pants and a simple shirt. Narealize ko kasing napakainit sa labas kapag nagsuot ako ng long sleeves at palda.

Dahil sira pa ang salamin ko ay sinuot ko ulit ang contact lense ko. Sinubukan ko ring maglagay ng kaunting powder at lip gloss.

Kinuha ko na ang cellphone ko at lumabas ng unit. May appointment kasi ako sa orthodontist ko ngayon. Today is the day na napag-usapan naming aalisin ang braces ko.

Maganda na kasi ang ngipin ko at wala nang sira. Ilang taon na rin naman akong nakasuot ng braces. Since I was little ay nakakabit na ito sa mga ngipin ko. I think it's time to remove it.

***

Jayred

"Miss, mayroon ba kayong ganitong hindi masyadong maikli? Ito rin, bibilhin ko na. Mayroon bang small size nito? 'Yon din ay kukuhanin ko. Ito pa... 'Yon pa."

Bigay lang ako nang bigay ng mga damit sa saleslady na titig na titig sa akin at nagpapacute pa.

Kahit ayaw kong umalis sa condo at mas gusto kong titigan na lang magdamag si Alisson ay umalis ako nang maaga para ibili siya ng mga damit.

Anniversary kasi ng parents ko at may party mamaya.

I am so damn ironic. Dati ay ayaw kong mag-stay sa condo na 'yon dahil naiinis ako kapag nakikita ko siya pero ngayon ay parang ayaw ko nang umalis ng condo at gusto ko ay siya ang unang makikita ko.

Baliw na yata ako.

"Sir, kukunin n'yo po lahat?" ani ng saleslady at lalong nagpacute kaya napairap ako. Ali is cuter lalo na kapag nahihiya ito.

"Oo, for my wife." I emphasized the last word para tigilan na niya ang paglalandi. Nakita ko naman na parang napahiya siya kaya bahagya na lang siyang tumango at naglakad papuntang counter kaya sumunod na rin ako para makuha ang mga pinamili.

"37,564 pesos, Sir."

Inabot ko na ang bayad at nagmamadaling lumabas. I didn't even bother to get the change dahil gusto ko nang umuwi. Dumaan ako sa isang restaurant para bumili ng pagkain namin ni Alisson. Baka kasi tulog pa siya at hindi nakapagluto.

Nagmamadali akong lumabas ng mall para makauwi na. Iniisip ko pa rin ang pag-i-iba ng ugali ko towards her. Parang gusto ko siya laging makita. Ayaw kong mawala siya sa paningin ko at lagi siyang pumapasok sa isip ko.

I think I am addicted to her. Iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. May nararamdaman akong hindi ko pa nararamdaman sa ibang babae, kahit kay Adisson. Siguro ay dahil hindi lang niya ako basta nasasatisfy kung hindi, she make me craves for more.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko na magawang tumingin sa iba. I mean, para kasing I am so contented sa kung ano ang ibinibigay ni Alisson.

May pilyo na naman akong naisip nang nasa harap pa lang ako ng pinto ng unit namin. Sa sofa naman namin gagawin this time. Napangisi ako sa naisip. I am so damn pervert.

"Alisson," I called her dahil wala siya sa sala at wala rin akong naririnig na ingay mula sa kusina tulad kahapon.

What happened yesterday was amazing. I feel so complete and I don't know why.

"Alisson!" Umakyat na ako sa kwarto pero wala pa rin siya. Tiningnan ko ang banyo pero wala rin siya roon. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng unit ngunit hindi ko siya makita kaya naiinis na kinuha ko ang phone ko para sana tawagan siya kaya lang ay naalala kong wala akong number niya.

Kainis! Akala ko pa naman ay maaabutan ko siyang nakatapis at nagsasayaw tulad kahapon pero bakit wala siya? Umupo muna ako sa sofa at hinintay siya nang ilang minuto.

Hindi na ako makapagtimpi nang hindi pa rin siya dumarating. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Shit!" Nagmamadali kong tinungo ang walk-in closet niya at nakahinga ako nang maluwag nang makitang kumpleto ang mga damit niya. Ibig sabihin ay hindi niya ako nilayasan.

"Jayred, ano'ng ginagawa mo sa closet ko?" Nilingon ko ang kadarating na si Alisson sa kwarto namin.

Napalunok ako nang makita siya. She looked so hot lalo na sa ayos niya ngayon! Nakakapanibagong hindi siya nakasuot ng old maid clothes.

Mas gumaganda yata siya ngayon o nahuhumaling lang ako sa kanya? One thing I love with her is her eyes dahil ang inosente nitong tingnan.

"Where have you been?" Agad akong lumapit sa kanya at niyapos siya. Parang nawala lahat ng kabang nadama ko kanina.

"Sa orthodontist ko lang," aniya at nakakunot ang noo na tiningala ako. Agad ko naman siyang hinalikan nang mapalapit ang labi niya sa akin.

Pinalalim ko ang paghalik sa kanya nang maramdaman kong tumutugon siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang hita at binuhat siya patungo sa sala. Kanina ko pa gustong gawin iyon sa sofa.

"T-teka lang... Bakit dito mo pa ako dinala sa sala?" Nakatitig lang ako habang nagsasalita siya. Para kasing pati ang boses at pagbuka ng bibig niya ay hot sa paningin ko.

"Sa susunod, huwag kang aalis nang hindi nagpapaalam sa akin, okay?" Tinitigan niya ako na parang nagulat siya. Kahit ako rin naman ay nagulat sa mga sinasabi ko e. Pati ang tono ng boses ko ay napakalambot. Para akong kumakausap ng bata.

"Wala ka naman kasi, e kaya hindi ako nakapagpaalam. Sorry." Ngumuso siya at bahagyang yumuko kaya napangiti ako. She's so adorable.

"It's okay. Basta, huwag mo nang uulitin, okay?" I lifted her chin at bahagya siyang tumango. I started kissing her again. Her soft damn lips are driving me wild. Damn it.

Alisson, what are you doing to me? You're driving me crazy.

LEGENDARIE

Don't look Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon