Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 13

160K 2.6K 217
                                    

Mugto ang mga mata ko nang humarap ako sa salamin. Ilang oras ba akong umiyak kagabi? Hanggang sa matapos yata ang party ay umiiyak ako.

Ang sakit kasi.

Magdamag lang akong naglabas ng hinanakit kay Sky. Iniyakan ko siya hanggang sa pagod na akong umiyak.

Nagtaka ako nang hindi man lamang nagulat si Sky nang malaman niyang asawa ko ang pinsan niya.

Parang matagal na niyang alam iyon. Hindi ko naman sinasabi sa kanya.

Madaling araw na nang natapos ang party. Nang magkita kami ni Jayred ay hindi ko siya pinansin. Ganoon din naman siya sa akin.

Parang hangin lang ako kung daanan niya. Parang wala siyang nakikita kung umasta siya.

Sumama ang loob ko kay Ate Adisson. Ginawa ko ang lahat. Itinaya ko ang sarili kong kalayaan para sa pangarap niya pero ano ang ibabalik niya sa akin?

Bumuntonghininga ako at isinuot ang contact lenses ko at lumabas na ng banyo.

Hindi man lang nagulo ang kabilang gilid ng kama dahil hindi niya ako tinabihan. Hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko rin gustong alamin pa.

Masyado na akong nasasaktan para alamin pa iyon.

Hindi ko na nga rin napansin kung dumating ba si Papa dahil wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak.

Pagbaba ko sa kusina nina Jayred ay nadatnan ko si Emerald na mag-isang kumakain.

Dito kami nagpalipas ng gabi dahil madaling araw nang natapos ang party at umulan pa.

"Good morning, Ate. Kain ka rin," nakangiti niyang bati sa akin pero patuloy pa rin ang pagsubo.

"Good morning. Bakit mag-isa ka?" Umupo ako sa tabi niya at nagsimula na ring kumain. Hindi ako nakakain nang maayos kagabi e.

"Wala sila e. Lagi naman akong mag-isa rito at sina Yaya lang ng kasama kapag walang school."

Tumango-tango na lang ako. Gusto ko sanang tanungin kung nasaan ang kuya niya pero nag-a-alangan ako. Baka masaktan lang ako sa isasagot niya.

Kumain na lang kami nang kumain ni Emerald.

"Hi, guys!" Napalingon kami at bumungad sa amin si Sky na may dalang mga paper bags.

"Hi, Kuya!" Tumayo si Emerald at nagtatakbo patungo kay Sky.

Tumayo na rin ako at lumapit sa kanila.

"Ang aga mo po rito," puna ni Emerald sa kanya. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok nito.

"Nandito kasi ang prinsesa ko." Si Emerald ang kausap niya ngunit sa akin siya nakatingin. Napayuko ako at medyo lumayo sa kanila. Awkward masyado.

"Okay ka na ba?" Pumalatak siya. "Look at your eyes." Bumitiw siya kay Emerald at lumapit sa akin. Inipit niya ang mukha ko gamit ang magkabila niyang kamay.

"O-oo naman." Naiilang na pinalis ko ang kamay niya sa mukha ko. Baka may makakita sa amin at kung ano pa ang sabihin.

"Kumain na kayo?" Tumango ako.

"Oo, ikaw?" Hindi ako tumitingin sa kanya dahil may iba sa mga titig niya at hindi ko iyon gusto.

"Tapos na rin," sagot niya kaya nagpaalam na ako sa kanila. Naiilang kasi talaga ako kay Sky ngayon. Iba ang mga tingin niya. Parang may mali.

Pumasok na lang ako sa kwarto at inayos ang gamit naming. Baka pagbalik ni Jayred ay uuwi na kami sa condo.

Nahagilap ko ang pills na dala ko. Hanggang ngayon ay hindi ko ito iniinom. Umaasa kasi akong kung may mabubuo sa amin ay baka mahalin na niya ako.

Don't look Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon