Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 12

158K 2.4K 159
                                    

Suot ko ang isang blue cocktail dress na binili sa akin ni Jayred kanina. Medyo hapit ito sa katawan ko kaya kitang-kita ang kurba nito. Medyo maikli rin ito at mababa ang neckline kaya medyo naiilang akong suotin. Lahat naman kasi ng binili niya ay ganito ang disenyo. Ito na nga ang pinakadisente at hindi masyadong bulgar.

Hapon na at pupunta kami sa bahay ng mga magulang niya dahil may party ang mga ito. Kinakabahan ako dahil ngayon ko na lang ulit makikita ang pamilya niya pagkatapos ng kasal namin.

Natatakot ako sa Mama at Ate niya samantalang magaan ang loob ko sa bunso niyang kapatid at sa ama niya dahil mabuti ang pakikitungo nila sa akin, una pa lang.

Huminga ako nang malalim at kinuha sa dresser ang make up kit na bigay sa akin ni Ate Adisson noon. Marunong naman akong mag-ayos kahit papano dahil natuto ako habang pinapanood ko siya dati.

Naglagay lang ako ng manipis na make up dahil hindi naman ako sanay na maglagay ng kahit ano sa mukha. Kung hindi lang kailangang magmukha akong presentable ay hindi talaga ako maglalagay nito. Hindi naman ako kagaya ni Ate na makapal lagi ang ayos.

Sinunod kong inayos ang buhok ko. Kinulot ko lamang ang dulo nito at hinayaang nakalugay. Hindi naman ako nahirapan dahil natural na wavy naman ang buhok ko.

Patapos na ako nang may kumatok sa pinto.

"Alisson, matagal ka pa ba?" tanong ni Jayred na nasa labas ng kwarto at mukhang naiinip na.

"Ah, sandali na lang 'to," sagot ko at sinimulang isuot ang sapatos. Ngayon na lang ako magsusuot ulit ng high heels. Tinuruan na kasi ako dati ng baklang kaibigan ko na nasa ibang bansa na.

"I'll wait outside, okay?" sagot naman ng asawa ko kaya mabilisan ko nang isinuot ang mga alahas ng Mama ko na bigay ni Manang sa akin. Para sa 'kin daw talaga ang mga ito. Inihabilin ni Mama kay Manang na ibigay sa akin ito bago siya mawala.

Hinablot ko na ang pouch kong nasa kama at nagmamadaling lumabas. Baka kasi magalit na naman si Jayred kung magmamabagal pa ako.

"Tara na." Nilapitan ko siya. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko habang nakatuon pa rin ang pansin sa cellphone na hawak niya.

"Wala ka na bang nai―"

Sunod-sunod ang paglunok niya nang lumingon sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi habang titig na titig sa kabuuan ko. Medyo nailang ako sa klase ng pagtitig niya sa akin.

Mula ulo hanggang paa ay sinusuri niya ako.

"Masyadong revealing ang suot mo." Bumalik ang tingin niya sa mukha ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko.

"P-panget ba?" nag-aalangan kong tanong, Baka hindi sa akin bagay ang mag-ayos ng ganito.

"No! You look so wonderful! Kaya lang ay masyado kang hot." Kinindatan niya ako habang itinataas ang dress ko upang maitago ang cleavage kong bahagyang nakikita sa suot ko.

Pinamulahan ako ng pisngi kaya dinamba ko na lang siya ng yakap para maitago ang hiya ko. Kinikilig kasi ako.

Ngayon lang niya ako pinuri nang wala kami sa kama. Napatawa siya nang mahina dahil sa kahihiyan ko ngayon.

"Let's go?" pag-aaya niya.

Tiningnan ko ang oras sa relong suot ko. Baka nagsisimula na ang party at mahuli kami. Nakakahiya iyon lalo na sa mga magulang niya.

Tumango naman ako at pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse.

"Dapat pala, hindi ganyan ang mga binili ko sa 'yo. Dapat ay iyong balot na balot ka," nakangusong turan ni Jayred habang nagmamaneho.

Don't look Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon