Chapter 32.2.2

169K 3K 121
                                    

CHAPTER 32.2.2

JANELLA RAYNE's POV

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin namin ay tsaka ko binalingan nang tingin si Dalton na nakanguso at parang irita pa rin.

"You hugged him, pumpkin and I hate it." Masungit na sabi pa niya at hindi ko naiwasan ang mapangiti.

"Nagseselos ka ba?" Natatawang tanong ko pa at mas lalo pa siyang napasimangot.

"Am I not allowed now eh?" Nakasimangot pa ring sagot niya at lalong nagsalubong ang kanyang kilay. Medyo namamaos pa rin ang kanyang boses at tila bumagay pa iyon sa kanyang pag-iinarte.

"You're cute." Pinisil ko ang kanyang pisngi at 'di niya napigil ang mapangiti.

"I'm cute? Like a dog?"

"Puwede." Yumakap ako sa kanyang baywang at agad naman din niya akong hinapit palapit.

"But I am not a dog, pumpkin." Nakakaloko pa siyang ngumiti na para bang may iba pa siyang iniisip.

"I know, but you're cute like a dog."

"I'm a hornd0g, pumpkin..." Malambing pang sabi niya. "And, we can do dog style if you like." Kinagat niya ang kanyang labi at agad namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya! Ang halay talaga!

"Ang manyak mo!" Malakas ko siyang hinampas sa braso at napahalakhak lang siya nang malakas!

"Can you blame me?" Nakangisi pang sabi niya at mas hinigit pa ako palapit sa kanya. "You've got the most perfect body I've ever seen in my life."

"Bolero..." Umirap ako at napaismid lang siya.

"I am not. You want me to adore you naked hmm?" Nagtaas siya ng kilay at para bang nagpipigil mapangiti nang maluwag.

"At sinusuwerte ka naman."

"Ayaw mo kasi maniwala." Ngumuso siya at pasimpleng dinaanan nang tingin ang katawan ko. "We can start with Carl's house if you like." Nagtaas baba pa siya ng kilay at kuhang-kuha ko na ang ibig niyang sabihin.

"Wala ka talagang kahihiyan!" Nagdudumilat pang sabi ko lang at sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi impossibleng gawin niya!

"It's good to explore, pumpkin. And, I would like to try everything with you if you'll allow me too." Kumindat pa siya at agad na nag-init ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Hindi naman sa ayaw ko pero hindi ko pa rin sigurado kung kaya ko na bang magpaka-wild katulad ng ibang naging babae niya. Or hindi nga kaya siya nabo-bore sa akin?

"Bored ka na ba sa akin?" Alanganin man ako sa sarili kong tanong ay itinuloy ko pa rin.

"Huh?" Kumunot ang kanyang noo na para bang naguluhan din sa tanong ko. "What do you mean I'm bored?"

"Hindi ako katulad ng ibang naging babae mo..."

"Hey, you're not some girl for me, pumpkin. Am I making you feel like that?" Nag-aalala pang tanong niya.

"Hmmm... I don't know-"

"I'm in love with you. Hindi na ako kagaya nang dati at alam mo 'yun diba?" Mas kumunot ang kanyang noo na para bang dismayado.

"Sanay ka sa babaeng wild-"

"Stop comparing yourself to others, pumpkin. You were not like any of them." Mabilis niyang ginagap ang mukha ko at matamang tinitigan nang diretso sa mga mata. "I am fully contented with you. Making love with you. Only with you."

Mariin ko lang kinagat ang labi ko dahil sa totoo lang ang hirap na hindi maniwala kapag sinabi na niya. Gan'un na nga ako kabaliw sa pagmamahal ko para sa kanya. Sana nga lang ay hindi siya ma-bore sa kung ano lang ang kaya kong gawin sa kanya. Sana nga.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon