Chapter 10

268K 4.5K 219
                                    

CHAPTER 10

JANELLA RAYNE's POV

Maaga pa lang ay bumangon na ako para gumayak sa pagpasok sa opisina. Unang araw ko pa naman at ayokong ma-late.

Isang simpleng light peach chiffon blouse at pencil cut skirt ang sinuot ko na tinernuhan ko ng black stiletto. Naka pony din ang buhok ko para hindi masyadong sagabal sa byahe. Actually, parang 15 minutes lang namang sakay ng jeep ay nand'un na ako. Sa pagkakaalam ko nga, ilang blocks lang ang layo ng opisinang papasukan ko sa matayog na building ng mga Samaniego.

Nagpalinga-linga muna ako sa may harapan ng mansion bago ako tuluyang lumabas. Mas mabuti na ring hindi muna kami magkita ni Dalton. Hindi ko rin kasi alam ang iisipin niya kapag nakita ako doon. Baka nga isipin pa niya sinusundan ko siya. Ang lakas pa naman nang kumpiyansa sa sarili ng taong iyon.

At dahil nasa exclusive subdivision sila ay kinailangan ko pang maglakad papunta sa may gate para makasakay ng jeep. Buti na lang din at hindi rin naman kalayuan. Pero ramdam ko na ang init nang panahon at parang pagpapawisan na ako hindi pa man.

Hindi naman din nagtagal ay nakarating ako sa gate at mula doon ay sumakay na ako ng jeep patungo sa opisina.

At tulad nang inaasahan, halos 15 minutes lang ay nand'un na ako at maaga pa sa alas otso ang pagdating ko. Hindi ko pa name-meet ang boss ko basta't ang alam ko lang ay lalaki siya. Naghintay ako sa table ng HR at pinanood ang pagdating ng mga empleyado. Ang alam ko ay nasa real estate din ang mga Samaniego tulad ng mga Montenegro na siyang pinapasukan ko ngayon.

"Ms. Gomez," nakangiting bati naman n'ung HR na nag-interview sa akin kamakailan sabay baba ng kanyang mga gamit sa gilid ng table. Saktong alas otso siya dumating at halatang nagmadali talaga dahil bahagya pang humihingal. Sa tantiya ko ay nasa 40's na siya.

"Good morning, ma'am Isabel." Nakangiting bati ko rin naman sa kanya.

"Good morning din. Nandito na si sir Danzel. Tara at ipapakilala na kita." Bahagya pa siyang tumango at agad din naman akong napasunod.

Sa mga oras na 'yun ay dumami na rin ang mga empleyado sa loob. Nakatitig silang lahat sa akin na para bang kinikilala ako.

Nang marating namin ang pinakadulong opisina na may glass door ay agad kong natanawan ang naka-corporate suite na lalaki na nakatalikod at nakaharap sa full glass wall. Binuksan ni ma'am Isabel ang salaming pinto at agad ding napabaling sa amin ang boss ko! Shit! Ang gwapo!

Napako rin agad ang tingin niya sa akin at ibig ko yatang mahiya dahil masyadong nakakatunaw ang paraan ng kanyang pagtitig!

"Sir, good morning po. Eto nga po pala si Ms. Janella Rayne Gomez. Siya po ang bagong secretary ninyo." Pakilala pa niya. "Ms. Gomez, siya si sir Danzel Ershad Montenegro, President and owner of Montenegro Real Estate."

"Good Morning po, sir. Nice to meet you po." Nahihiya ko pa siyang binati at agad na iniabot ang kamay ko sa kanya.

"Ms. Janella Rayne Gomez..." Mabagal pa niyang bigkas sa pangalan ko at pormal na ngumiti. "Nice name. It suits you."

"Thank you, sir." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko ngayon. Sobrang gwapo at matipuno ni sir Danzel. Kung hindi ako nagkakamali ay parang magka-edad lang sila ni Dalton at parang magkasing tangkad din.

"Well then, welcome to the company and I'm looking forward working with you, Ms. Gomez." Nakangiting sabi pa niya at sinuklian ko rin naman iyon nang matamis na ngiti. Masyadong nakakahalina ang kanyang mga ngiti. Sobrang ganda rin ng kanyang medyo singkit at bughaw na mga mata! Bakit ba si Dalton ang naaalala ko sa mga matang 'yun?

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon