Chapter 11

249K 4.5K 184
                                    

CHAPTER 11

JANELLA RAYNE's POV

May kung ilang araw din na palagi kong iniiwasang magkabangga man lang kami ni Dalton sa mansion. Pero ngayong gabi ay mamalasin yata ako dahil kakaluto lang ng hapunan ni nanang nang makaramdam na siya nang pagod. Gusto ko man sana magdahilan ay nag-aalala rin akong makahalata siya. Nandito pa naman ang fiancée ni Dalton at ayoko sanang makita siya ulit. Pero wala na akong pagpipilian. Kapag mamalasin ka talaga!

Nakaupo na silang lahat sa long table at nasa kabisera si señor Antonio. Nasa magkabilang gilid niya sina Dalton at señora Alona. Katabi naman ni Dalton 'yung fiancée niya na parang minumukhaan ako dahil sa ginagawang paninitig niya sa akin.

"I think I saw you before." Sabi pa ni Eleonor na pilit na hinuhuli ang mga titig ko.

"Secretary siya ni Dalton Ace sa hacienda. For sure d'un mo siya nakita." Nakangiting sagot pa ni señora Alona at tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Ramdam ko ang paninitig ni Dalton sa akin pero ni isang tingin ay hindi ko siya tinapunan. Ayokong maramdaman ulit ang pagka-miss sa kanya. Nababaliw na talaga ako!

Habang kumakain ay nanatili ako sa may kusina pero naririnig ko ang usapan nila.

"Dalton Ace, I think you should plan the wedding this year." Si señor Antonio. Kung gan'un ay tuloy na tuloy na pala talaga ang pagpapakasal niya? At sa narinig kong iyon ay parang may kumurot sa dibdib ko.

"Can we please not talk about this again? Nag-aadjust pa ako sa company and I needed more time." Bakas ang pagka-irita sa sagot ni Dalton. Siguro ay hindi lamang ito ang unang beses na inungkat sa kanya ang pagpapakasal.

"Dalton, honey," si Eleonor. Saglit akong sumilip para tingnan ang kanyang reaction at huling-huli ko ang pagpulupot ng mga kamay ni Eleonor sa leeg ni Dalton na parang medyo asiwa. "Papa is right. We should plan the wedding this year." Malambing pang sabi niya at ibig kong mairita sa paraan nang pagkakasabi niya. Ang arte! Nakakainis!

"We talked about this, Eleonor. I don't want to discuss this over and over again." Kunot-noo pang sabi niya at napaigtad lang ako nang masalubong ko ang tingin niya. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring may ginagawa.

"Ano pa bang hinihintay mo, Dalton Ace?" Ang señora na para bang naiinis na rin.

"Gusto ko lang magamay ang negosyo, ma." Tipid na sagot niya.

"Puwede mo pa rin namang gawin 'yan kahit mag-asawa na kayo." Matigas na sabat ng señor.

Hindi ko narinig ang sagot ni Dalton at noon na lang ako nagpasyang ipasok ang dessert na salad.

"Let's set the wedding this year!" Matigas na sabi pa ng señor kasabay nang agarang pagtayo ni Dalton at nasangga niya ang dala kong salad! Shit!

Nanuot sa damit ko ang lamig n'ung salad dressing habang gulilat silang lahat sa nangyari. Napatingin lang ako kay Dalton na nalaglag din ang panga sa nangyari pero wala namang sinabi.

"I'm full." Matigas na sabi niya at igting ang kanyang panga. Walang pasabi siyang umalis sa dining room nang hindi man lang nagso-sorry! Bastos talaga!

"Dalton Ace!" Galit na tawag pa ng señora. Alala pa siyang napabaling sa akin at umiling-iling. "I'm sorry, Janella. I am really sorry."

"Okay lang po, señora. Hindi naman po siguro sinasadya ni sir." Mapakla akong ngumiti at para bang nakita ko ang pag-irap ni Eleonor sa akin.

Agad akong pumunta sa kusina para patulong din sa isang katulong nila na si Maye na halos kaedaran ko lang din. Nag-boluntaryo siyang maglinis nang natapong salad sa sahig kaya naman ako ay dumiretso sa kwarto namin ni nanang. Saktong pagpasok ko ay siya namang paglabas ni nanang sa banyo.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon