Chapter 33.1.2

149K 3.1K 101
                                    

CHAPTER 33.1.2

JANELLA RAYNE's POV

Pauwi kami ngayon ni Dalton pa-Manila at sakay ng bus. Nauna na kasing umuwi sa amin si Vaughn dahil daw hindi niya kinakaya ang lambingan naming dalawa. Nasusuka daw siya... siraulo talaga! Ayaw naman ding sumabay kami ni Dalton sa kanya dahil daw sayang naman 'yung pagkakataon na masolo niya ako. At hindi rin naman ako nanalo sa kanya. Medyo nawala na ang pamamaos niya at maganda-ganda na rin ang pakiramdam niya.

"Ang layo din pala ng byahe..." Reklamo pa ng loko. Bahagya pa siyang nag-inat at iginalaw-galaw ang kanyang ulo.

"Sabi ko naman kasi sa'yo sumabay na tayo kay Vaughn." Nangingiting sabi ko pa.

"No fucking way!" Mabilis pang sagot niya. "And, what?" Bahagya pa siyang kumunot. "Missed that one chance of making love to you at the couch of that creepy house?! No way!"

Agad na nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at kinurot ang kanyang tagiliran! Walang kahihiyan! Ang dami pa namang tao sa bus! Impossibleng walang nakarinig sa sinabi niya! Aish!

"Ang bibig mo, Ace!" Tinakpan ko ang bibig niya at napaikot lang siya ng kanyang mga mata.

"Fine." Tinanggal na niya ang kamay ko at sa halip ay pinagsalikop niya ang aming mga daliri. "We can travel for a day and I wouldn't care as long as you're with me." Pagkasabi niya noon ay hinalikan niya ang likod ng palad ko at malagkit na tumitig sa akin. "I love you, pumpkin."

"I love you too, Ace." Walang pag-aalangang hinalikan ko siya sa labi at tila natuwa naman siya na ginawa ko 'yun.

"You're such a turn on, do you know that?" Nakakaloko pa siyang ngumiti at madiing kinagat ang kanyang labi. Ang manyak!

"Wala ka talagang kupas..." Inikot ko lang ang aking mga mata at napatawa lang siya.

"You owe me one kiss for rolling your eyes again." Nakangisi pang sabi lang niya at wala akong ibang nagawa kung 'di ang umiling.

Hinila niya ako mas palapit at mahigpit akong niyakap. Isinandig ko naman ang ulo ko sa kanyang dibdib at halos mabaliw ako sa kanyang mabangong katawan. Kabisadung-kabisado ko na ang amoy niya at kahit ihalo pa siya sa ibang tao ay malalaman ko pa rin kung sino siya d'un.

"I don't know how to live without you now, pumpkin." Seryosong bulong pa niya at halos kilabutan ako sa paraan nang pagkakasabi niya.

"Ace..."

"You're so hot, pumpkin. You can take the place of the sun." Kinurot ko lang siya sa braso dahil parang iba na naman ang tumatakbo sa isip niya. Sweet na manyak talaga!

"That's a little pervert thoughts, but I mean it." Hinalikan niya ang aking noo at napapikit na lang ako sa sarap nang pakiramdam na nakakulong sa kanyang mga bisig. He belongs to me. I belong to him. "So, are you cool working for the Greene's?"

"Hindi ba nakakahiya?" Nag-angat ako nang tingin at nasalubong ko agad ang kanyang mga mata.

"Damn, I want to kiss you." Mariin pa niyang kinagat ang kanyang labi na para bang nagpipigil nga.

"Ace naman e!" Tinampal ko siya sa braso dahil sa totoo lang ay iyon din ang pumapasok sa utak ko. I want to kiss him too.

"Was there any stop over where I can ravage you even for 10 minutes?"

"Manyak talaga nito!" Ngumuso lang ako at napahalakhak naman siya. Sanay na nga ako sa mga malolokong salita niya na 'yun.

"Baka lang naman. Sayang din 'yun." Nakangiti pang sabi lang niya bago ulit magpakaseryoso. "So, you're cool working with the Greene's? Or kahit kay Vaughn?"

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon