Chapter 6

274K 4.8K 149
                                    

CHAPTER 6

JANELLA RAYNE's POV

Oh my god, ang sakit-sakit ng ulo ko! Pero bakit ba parang ang bango-bango nang hinihigan ko at parang sobrang lambot? Kinapa ko ang bed at agad akong napadilat nang mahipo ang sobrang lambot at dulas na bedsheet! Shit!

Agad akong napabalikwas nang bangon at hindi ako makapaniwalang wala ako sa aking kwarto! Shit! Ano bang nangyari?! Wala na akong maalala! Tinutop ko ang aking noo at mariing pumikit! Gosh, think!

"J-janella... gising ka na?" Halos mapaigtad ako sa gulat nang biglang lumitaw si Dalton sa makapal na kumot at halos hindi niya maidilat ang kanyang mga mata! Shit!

Mabilis akong tumayo at wala pa sa sariling kinapa ang aking katawan.

"A-anong ginagawa ko d-dito?" Ugh! Bakit ba wala akong maalala?

"You can't remember?" Bahagya pa siyang kumunot at pupungas-pungas na bumangon. Wala siyang suot na pang itaas kaya't kitang-kita ko ang kanyang kakisigan at pati na rin ang tila pandesal na muscles sa kanyang tiyan. Tanga ang babaeng hindi tititig sa ganoong kagandang katawan. Para siyang si Adan sa paraiso sa sobrang kagwapuhan! "Can't you remember a single thing?" Marahan pa siyang lumapit sa akin at halos magkasala ang mga mata ko sa pagtitig sa kanyang katawan at doon sa V-shape na muscles pababa dun sa— "Janella?"

"Um, n-no..." Nagbara ang aking lalamunan at ibig kong batukan ang aking sarili. Ano bang nangyayari sa'yo? "Anong ginawa mo sa akin?" Asik ko pa.

"W-what--?" Ngumiti lang siya sa aking tanong at napakamot ng ulo. "Look—"

"'Wag kang lalapit sa akin!" Banta ko pa sabay atras nang kaunti.

"Hey! Wala akong ginawang masama sa'yo, okay?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot sa patuloy na paglapit niya kaya't agad ko siyang sinipa sa pribadong parte niyang iyon!

"Argh! What the fck?! Arghh!" Namimilipit pa siyang napahawak d'un sa parte niyang iyon at halos mapadugo niya ang kanyang labi sa diin nang kanyang pagkakakagat! "What the fck is wrong with you?! Shit! Arghh!" Umalingawngaw ang kanyang boses sa buong kwarto habang hawak-hawak pa rin niya 'yung kanya.

"Anong ginawa mo sa akin?!" Seryosong tanong ko pa at irritable pa siyang napatitig sa akin habang nakangiwi.

"I fcking saved your ass from your boyfriend who tried to rape you and this is how you repay me? Fck!" Nananangis pang sabi niya at halos mapapadyak sa sakit!

"Shit..." Mariin ko lang kinagat ang aking labi at agad na sumagi sa isip ko ang huling pangyayari kagabi. Ang tanga-tanga mo, Janella! "S-sorry..." Napangiwi ako at nagpeace sign. Nakakahiya talaga!

"You're sorry?! Fck Janella! You kicked my fcking balls! Ugh! Shit! Fck!" Nakangiwing sabi pa niya at kulang na lang ay masapak na rin niya ako sa galit! Naupo siya sa bed habang sapo pa rin niya 'yung kanya. Sobrang pula ng kanyang mukha at igting ang kanyang panga. Napuruhan ko yata.

"S-sorry talaga... Akala ko kasi—" Tangka sana akong lalapit nang bigla niyang itinaas ang kanyang kanang kamay.

"Don't you dare fcking come near me, Janella! I almost lost my future in here!" Nakangiwi pa ring sabi niya at hindi ko na napigil ang mangiti. Nakakatuwa naman kasi ang hitsura niya n'ung sinasabi niya 'yun! "What the hell is so funny?" Nakasimangot na sita pa niya.

Umiling ako at panandali ko muna siyang tinalikuran nang makita ko ang kanyang personal ref. Naghanap ako ng ice pero tanging nagyeyelong mineral water lang ang nakita ko. Puwede na siguro 'to.

Takang napatitig pa siya sa akin nang iabot ko ang nagyeyelong mineral water.

"What the fck am I going to do with that?" Inis pang tanong lang niya at nakasimangot pa rin.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon