10. Huwag ng Umiyak

179 24 7
                                    

Meanwhile, sa Manila... sa Paco... sa tindahan... malapit sa parlor... may nangungutang na bakla.

Ate Merly dalawa namang pepsi oh. Sa katapusan na bayad ha. Sabi ni Ingrid.

Ay walang pepsi, coke lng meron. Hoy Ingrid! Malaki na utang mo ha. Magbayad ka na sa katapusan. Sabi ng tindera. Sabay abot ng 2 bote ng coke na umuusok pa sa lamig.

O, eto mag softdrinks ka muna. Alok sakin ni Ingrid. Kailangan mo ba talaga gawin yan? Kabado ako para sa'yo bhe, baka mapano ka. Ano naman ba kasi ang magagawa mo kung puntahan mo yang jowa ni Pao, keri mo bang makipag-upakan dun? Baka masaktan ka lng ni borta!

Huwag kang emote dyan bakla, mabuti pa isipin mo na lng pano mo babayaran yang utang mo kay ate ganda. At huwag mo sanang ubusin ang datung kakabili ng rubber shoes ng mga alaga mo ok?! Sagot ko kay Ingrid.

Basta bhe sabihin mo lng samin kapag inano ka nun ha. May patola ako sa bahay, tsugihin natin yang bakulaw na yan. Huling nasabi sakin ng kaibigan ko.

Actually, pagpunta ko sa bahay ng jowawerts ni Pao ang sinasabi ni Ingrid. Nabanggit ko kasi sa kanya na pupuntahan ko na ang manyakis na kumag.

Yari siya sakin. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya. Nasabi ko.

****

Naalala ko pa ang pangyayari kinagabihan. Hindi kumukurap si Pao, pero tumutulo ang luha niya. Una sa kaliwang mata, tapos sa kanan, tapos sa kaliwa ulit. Hindi nako naghintay na tumulo pa ang sipon nya kaya inabot ko sa kanya ang panyo ko. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kay niyakap ko siya. Sabay nasabi ko...

Huwag ka ng umiyak, nandito lng ako...

Tumingin lng siya sakin, ngumiti ng konti, tapos dinikit ang ulo sa dibdib ko, tapos umiyak ulit. This time mas matindi na. Kaya napayakap na lng din ako ng mahigpit. Halos maluha na rin ako, pero syempre pigil-pigil din. Wala na kasi akong ibang panyong magagamit.

Ramdam ko ang bigat ng loob ni Pao. Sama ng loob sa nangyari, sama ng loob sa lalakeng nang-trato sa kanya ng ganun ganun na lng.

Hindi ko maipaliwanag ang galit ko ng gabing yun. Parang gusto kong mangbugbog, parang gusto kong mang-gulpi. Huminahon lng ako dahil kailangan ni Pao ng kasama. Pero gusto ko na sanang puntahan ang gumawa nun sa kanya. Wala nang isip-isip pa kung ano ang mangyayari pagkatapos. Basta ang alam ko lng, kailangan managot kung sino ang nagdulot ng sakit. Hindi niya dapat ginawa yun. Hindi niya dapat gawin yun kahit kanino pa. Hindi niya dapat gawin yun.... lalo na kay Pao.

****

Kaya nagpaalam na ako kay Ingrid... para harapin ang bubugbugin ko...

Beki Moves in Mysterious WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon