16. si manong at ang journal

150 17 3
                                        

Samantala.....

Sa may sta cruz, sa isang karinderyang dinadayo ng mga driver at pahinante ng Maynila dahil nga sa mura at masarap nitong pagkain, dumiretso ang binabaang taxi nina Jules. Nagutom na si manong matapos makipagaway sa di papatalong Ms. gay 2013 ng quiapo na si Ingrid. Matapos mag lunch ay bumalik na sa sasakyan si manong. At dun niya pa lng napansin sa lapag ng sasakyan, sa may likod ng kotse ang isang parang planner na red. Kinuha at saka nalamang journal pala ang akala niyang planner. Ano yung journal? Natanong niya sa sarili habang humahanap ng maayos na puwesto sa driver seat para makaidlip at maka syesta. Binuklat niya ang journal sa bandang harapan, habang malapit ng pumikit ang may 3 oras pa lng na tulog na mata, ng mamang kanina pang madaling araw na bumabiyahe. Walang nakalagay dito kundi salitang

'a wierd kind of guy but he seems kind'. 

Nilipat pa ni manong ang pahina sa bandang gitna at nabasa ang nakalagay...

'i just dont get it, why be like that? For what? Dont tell me for me, pls dont tell me for me....'

Medyo nawala ang antok ni manong. Napamulat ang kanina lng na papikit ng mata. Napakunot ang noo, naging interesado. Mahilig din kasi si manong sa mga storya-storya. Sa katunayan, avid fan siya ng aldub. Nanonood din siya ng 'on the wings of love' kapag nakauwi ng maaga sa bahay nila. Pero hindi naman siya mahilig sa bae. Medyo natutuwa lng siya sa mga love stories dahil ito lng ang napaguusapan nila ni misis na hindi sila nagtatalo. At ngayon, meron siyang nababasang tila parang isang teleserye, teleseryeng siya pa lng ang nakakaalam.

Tumingin sa paligid si manong, sumilip sa likod at baka may nakakakita sa kanya. Mahirap na, baka mapagisipan. Nagbabasa kasi siya ng obvious na di kanya - isang Red na journal na may mga design na pang babaeng sosyalera. Nang masiguradong wala sa paligid, binuksan ni manong ang journal sa pinaka umpisa, at doon nakita ang ang simula ng storya.

April 7

He cannot come again. As usual, i'm used to it... People really change. They just dont remain the same.

April 8

He said sorry coz he cannot come. So it's his lola this time. Lame excuses.

April 15

Wow, i didnt expect a cake for birthday, i didnt expect him on my birthday in fact. Is this some kind of a sign? Will there be another chapter for us? I have my hopes high. Go go go rick-jules love team!!!

May 1
Confirmed and verified. Totoo ang lahat ang sinasabi nina Regine. Kung di pa nahuli ang mga taksil!!!#! How could i be so stupid? MAGSAMA SILANG DALAWA!!#! I dont care anymore.

May 3
That's just it. I've had enough. No more good girl this time. Hoping is nonsense. Trusting is stupid.

May 5
I called it quits. He saw it comming... He's well prepared. I was the only one hanging with hopes. I guess me just too good, too frail, too easy.

...,

...,

Aug 4
Met this guy. Weird and funny. Holding a man's magazine while occasionally catching a glimpse of me... Haha! I guess im really beautiful eh!

Aug 7
Well he's there again. Is he stalking me? Gosh! This is scary.

Aug 15
Haven't seen that odd guy this time.

Hey... Why am i thinking about him?! This is weird.

Aug 16
The odd guy is back. Turned out he's gay. Oh well, mistook him for a stalker.

...

At napabasa ng napabasa si manong, hindi namalayang oras na ng byahe.

  **** vote button is just waiting to be clicked.... Do not hesitate.  




Beki Moves in Mysterious WaysМесто, где живут истории. Откройте их для себя