21. uncle borgs is in the haus

106 11 4
                                    

Hindi rin nagtagal at naiwan na lang ang tatlo sa loob ng kuwarto ng hospital. Si erin na walang malay, si pao na naiilang at di gaanong nagsasalita dahil parang siya pa ang nasisi sa nangyari, at si jules na ka-text ng tiyuhin ni erin na malapit ng dumating.

Sobrang tahimik ng mga panahong yun na ultimong kahit ang pinaka mahinang utot ay maririnig. Ilang sandali pa at meron ng dumating.

"O anong nangyari? ako si borgs tito ni erin" unang bungad ng dumating.

Nagpaliwanag ang jules hanggang maubos ang tanong ng uncle borgs. Matapos nun ay saka pa lng naisip ng tiyuhin na magtanong kung sino ang dalawang babaeng nagbabantay sa pamangkin.

"Teka lng, sino nga pala kayo? Pasensya na ha, hindi kasi makuwento itong pamangkin ko."
Nakatingin si borgs kay jules sabay tanong,
"ikaw ba ang syota ni erin?"

"Ay... hindi, jules ho. Kaibigan ako ni erin," nakangitong sagot ng dalaga.

Napatingin si pao kay uncle borgs, nakangiting parang nagtataka. Ngunit nabasag ang pagtataka ng pao ng siya naman ang tanungin.

"Ikaw ba iha?" Tanong ng tiyuhin.

"Ay hindi rin po. Ako ho si pao, kaibigan din ni erin." Sagot ng natatawang pao. "Paano ppng magkaka jowa yan ay di po ba bading siya?" Ang naibweltang tanong ng babae.

"Huh! Si erin bading?! Kelan pa? Pano magiging bading yan eh madami ng naging gelpren yan?" Usisa ng uncle borgs.

Sabay singit ng jules, kinuha ang kamay ng pinsan sabay yaya paalis.

"Tara na pao, balik na lng ulit tayo sa susunod."

Beki Moves in Mysterious Waysजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें