Special 2

20.2K 264 13
                                    

(Nakakalokong pangyayari)

"Kath parang awa mo na! Joke lang nila Kats yun hindi totoo yun!"sigaw ni DJ habang nakatok sa kwarto nila ni Kath. Nasa labas siya ng Kwarto pinagsaraduhan kasi siya ni Kath ng pinto kaya ayan hindi siya makapasok sa bedroom nila ni Kath.


Walang imik naman si Kath sa loob ng kwarto nila ni DJ at hindi ito pinapansin. Naka-cross arms ang ingratita habang nakatitig sa pintuan kung saan nakatok si DJ.

"Promise Kath! Hindi talaga totoong nag-bar kami nung sabado."sigaw ulit ni DJ na sumuko na sa pagkatok sa pinto. Eh kasi naman hindi naman talagang nag-bar si DJ nung sabado niloloko lang nila Kats si DJ. Minsan kasing na-kwento nito na kapag nagseselos si Kath o may mali siyang nagawa sa labas siya ng kwarto matutulog.


Eh isa't kalahating tanga rin itong si DJ, Knowing his friends na maloloko? Ayun na walanghiya na! Niloloko kasi nila Lester, Katsumi, Seth pati na rin ang kapatid ni DJ na si JC na nag-bar daw silang lima nung sabado kaya eto katok ng katok si DJ.


Biglang bumukas ang pinto at niluwa noon si Kath, Akala ni DJ okay na dahil pinagbuksan siya ni Kath ng pinto.

"Kath please maniwala ka naman."sabi ni DJ kay Kath na ngayon ay masama ang ekspresyon ng mukha. Hinagis na lang ni Kath ang unan at kumot kay DJ bago ulit pagsaraduhan ng pinto. Kawawang DJ sa labas matutulog.

Hindi naman talaga under si DJ, sadyang nagiging over acting lang si Kath sa mga kinikilos niya. Napabuntong hininga si DJ na pinulot ang unan at kumot na hinagis ni Kath kanina. Gustong pagsisipain ni DJ ang mga kabanda niya dahil sa nararanasan niya ngayon.


Nagtungo ang kawawang si DJ sa kwarto nila Francis at Mikay. Walang extra room occupied ito dahil doon natulog ang dalawang kapatid ni DJ na si Magui at Lelay na nilaro kanina ang kambal kaya no choice si DJ kungdi ang magpalipas ng gabi sa kwarto ng anak niya tutal may sofa naman doon.

Nilagay ni DJ ang unan sa sofa bago magtalukbong ng kumot pagkahiga niya sa sofa pero nakalimutan ko atang sabihin sa inyo na malas si DJ ngayong araw na ito. May dumapo atang kamalasan sa kanya dahil natae lang naman si Francis sa kanyang Diaper.



Teka! Bakit ba laging si Francis ang nage-excrete? Hindi ba pwedeng si Mikay naman? Isa pa bakit laging Diaper ang pinupunterya sa pangyayari para kay DJ? Knowing DJ? Hindi naman kasi siya marunong magpalit ng Diaper sa bata eh.

"Hay naku naman!"reklamo ni DJ na agad na napabangon sa pagkakahiga sa sofa. Nakaisip siya agad ng bright idea.


Kakatukin niya si Kath para makapasok siya sa kwarto nila kaso epic fail ito dahil baka si Kath naman ang hindi pumasok sa kwarto nila kaya napailing na lang siya sa tatlong kadahilanan.


Una ang epic fail niyang plano. Pangalawa pagod na pagod siya mula sa trabaho at ito ang bubungad sa kanya pagka-uwi at Pangatlo ang nakakasulasok na amoy sa pagtae ni Francis. Napahimalos ng mukha si DJ dahil ang saklap naman ata ng araw niya ngayon.

Walang nagawa si DJ kungdi ang tumayo para katukin si Kath sa kwarto nila na kwarto niya dati nung binata pa siya. Iyon ang ginawa nilang bedroom ni Kath dahil mas malaki iyon kumpara sa kwarto ni Kath noon na ngayon ay kwarto ng kambal.



"Kath natae si Francis sa diaper niya ang baho dun."katok ni DJ ng walang gana. Pagod na pagod na siya and in any minute now alam niyang pwede siyang bumagsak.


Nandidilim na ang paningin niya saktong pagbukas ni Kath ay ang pagbasag ni DJ. Nagulat si Kath ng masapo niya si DJ.. Teka parang baligtad ata.



"DJ ano ba? Hindi nakakatuwa ang bigat mo!"sigaw ni Kath kay DJ pero wala Over Fatigue ang loko at nanghihina. Nahawakan ni Kath ang braso ni DJ at nakapa niyang mainit ang braso nito.



"DJ nilalagnat ka!"gulat na bulalas ni Kath at dahan-dahang inalalayan si DJ sa kama medyo nahirapan pa siya dahil mabigat ang asawa.


Lumabas muna si Kath para asikasuhin si Francis na natae sa diaper nito. Bumaba si Kath sa ibaba matapos asikasuhin si DJ para kumuha ng gamot at ipainom sa asawa. Nilapag niya ang tray sa side table at kumuha ng towel at tubig para punasan si DJ.


Ayos lang na makita niya ang katawan nito dahil matagal na niya itong nakita. Asawa na nga niya si DJ at may anak na sila kung tutuusin kaya hindi na siya magpapa-tweetums na "OhmyGolly! Abs ajujuju!" na kailangan pang takpan ang mata na rated SPG kahit hindi naman..


Binantayan niya si DJ magdamag matapos niya itong punasan. Pinupunasan niya pa rin naman ito para mabilis bumaba ang lagnat nito nasa 37.5 lang naman. Naaawa rin siya dito at hindi niyo rin siya masisisi ayaw niya lang maging wild si DJ at mambabae lalo na at.. Ehem! Bar daw iyon.



Pero medyo na-guilty siya kasi may naalala siya... Nung sinasabing sabado ng Banda ni DJ eh hindi talaga nagbar si DJ. Napa-iling siya dahil nasa kwarto sila gumagawa ng kababalaghan nung time na yun. Kayo na mag-isip kung ano yung kababalaghan na iyon basta wala akong sinabi.


Naunahan ng selos si Kath hindi naman sinasadya pero naunahan nga talaga siya. Nagsisisi tuloy siya kaya yinakap na lang niya si DJ.



"Kath, Sorry ha? Hindi ko naman sinasadya."sabi ni DJ kay Kath at hinalikan siya sa noo habang yakap siya ni Kath. Oo si DJ talaga! Nakalimutan din ni DJ kung ano yung ginawa nila nung sabado dahil stress na stress siya sa work nitong nakaraang araw.



"Hindi DJ, Ako dapat ang mag-sorry nakalimutan ko hindi naman talaga kayo nag-bar noon eh nandito tayo sa bahay nun."sabi ni Kath at niyakap ng mahigpit si DJ. Napakunot naman ang noo ni DJ at tinignan si Kath.



"Nandito ba tayo sa bahay noon?"tanong ni DJ sa asawa na ngayon ay bumaba na ang lagnat.



"Oo nga nandito tayo sa bahay makakalimutin ka rin eh. Sorry ha nagiging praning at selosa ako this past few days."sabi ni Kath kay DJ at yinakap pa ng mas mahigpit ang asawa niya. Hindi kaya mamatay si DJ sa sobrang pagkakahigpit ng hawak ni Kath sa kanya? Pero aba kung ganito lang ka-sweet si Kath sana lagi na lang siyang lagnatin sa isip-isip ni DJ pero Sweet naman talaga si Kath wag lang magselos at kapag may period.



"Okay lang yun basta bawas-bawasan mo ayokong matulog sa labas ng kwarto."sabi ni DJ at yinakap si Kath.



"Di na mauulit. Promise."sabi ni Kath then they dozed a sleep.

SLH (The Special Book)Where stories live. Discover now