Special 12

15K 168 18
                                    

(Parking Alone)

Kasalukuyang nasa OB-Gyne si DJ at Kath. Napag-desisyunan kasi ni DJ na ipa-check up nga si Kath dahil baka sakaling bundat este buntis na ito. Naku! Hindi pa nga lumalaki ang kambal may kasunod agad.. Dinadagdagan lang nila ang populasyon sa pilipinas!



"Congrats Mrs.Padilla, You are two weeks pregnant."sabi ng Doktora ni Kath nung nagbuntis siya kay Francis at Mikay. Natuwa naman ang dalawang mag-asawa.. May pangatlo na silang anak.



"Thank you po Doktora."masayang sabi ni DJ habang inaalalayan si Kath na umupo mula sa pagkakahiga nito.



"Magpre-prescribe na lang ako ng vitamins for both Mommy and Baby."sabi ng Doktora at inabutan si Kath ng leaflet kung saan nakalagay ang vitamins para sa kanyang pregnancy.


Matapos ng Check-up nila sa OB ay sumakay na sa kotse ang dalawa nang masaya dahil may third baby agad sila.



"Kath, Ano gusto mo?"tanong ni DJ sa asawang si Kath, Nakangiti lang si Kath na sinagot si DJ.



"Ikaw."wala sa loob na sabi ni Kath kay DJ, Gulat na napatingin si DJ kay Kath at biglaan din ito.



"A-Ano?"nagulat na sabi ni DJ kay Kath. Napanganga naman si Kath nang ma-realize niya ang sinabi niya kay DJ.



"Ah Eh... Haha uwi na tayo."sabi ni Kath kay DJ at tumingin sa labas para ngumiti. Wala pa ring kupas ang kilig niya kay DJ.


Napangit naman si DJ na iniisip na may pangatlong anghel na sila. Sabog Confetti nga naman!





=======
=======


"Bakit kapag umutot si Juan, May kasama pang mura at Suicidal word?"nagtatakang tanong ni Katsumi sa mga kaibigan, Nasa Bahay ulit sila dahil nga special ang araw na ito para kay Kath at DJ kaya pati ang barkada pumunta may handaan na naman kasi.



"Ha? Paanong mura at Suicidal word?"nagtatakang tanong naman ni Lester sa sinasabi ni Kats.



"Sige ganito example umutot si Fafa DJ."pagkasabi nun ni Katsumi may lumipad na unan sa mukha niya.



"Bakit ako pa? Hindi pwedeng si Lester na lang? O kaya si JC at Seth? Pwede ring Ikaw. Idadamay niyo pa ko."asar na sabi ni DJ kay Kats at ngumiwi naman si Kats sa sinabi ni DJ sa kanya.



"Ang inosente mo naman masyado Fafa DJ! Parang hindi ka umuutot o edi sige na iba na lang. Sunget hindi naman siya yung buntis at naglilihi."reklamo ni Kats at nag-pout pa!



"Ewan ko sa inyo."sabi na lang ni DJ at bumalik sa pag-asikaso kay Kath.



"Pare ano nga? Paanong may kasamang mura at suicidal word?"pangungulit ni Lester kay Kats. Para siyang batang kasisilang lang sa mundo ang sarap tirisin na parang kuto.



"Ganito kasi iyan.. Halimbawa umutot si JC tapos-"naputol si Katsumi nang umangal si JC.



"Bakit ako? Di ba pwed-"



"Wag ka nang umangal! Saka ikaw naman ang ututin sa atin di ba?"singit ni Seth dahil kapag umangal si JC siya ang gagamiting example ni Kats kaya si JC na lang. Naasar naman si JC dahil hindi naman siya ututin tulad nang sinabi ni Seth.



"Pinagkakaisahan niyo na naman si JC."rinig nilang sabi ni Tita Karla mula sa kusina.



"Nagkakasiyahan lang naman Tita, KJ nitong si JC."sabi ni Kats at nagpatuloy.



"Okay, Halimbawa umutot si JC tapos naamoy natin siyempre may second motion di ba?"paliwanag ni Kats kay Lester at nagtatango naman si Lester na kumislap pa ang mata. Nakatitig lang si JC at Seth sa nag-uusap na si Lester at Kats.



"Tulad ng?"tanong ni Lester. Napakamot naman sa ulo si Kats at nakaramdam na ang sarap batukan ni Lester dahil parang sanggol na bagong silang sa mundo ang peg nito, Masyadong inosente.



"Tulad ng.. "AMBAHO!" "SINO UMUTOT?" "PUNYEMAS ANG LAKAS!" mga ganoon ba?"si Seth na ang nagpaliwanag kay Lester. Napasinghap naman si Lester at na-excite sa sinabi ni Seth sa kanya.


Napailing naman ang barkada ni DJ at Kath sa mga kabanda ni DJ dahil ang lakas ng mga trip nito.



"Oh tapos?"excited na tanong pa ni Lester, Para naman siyang bata na tuwang-tuwa sa Topic nilang utot.



"Tapos para hindi mahalata si JC na siya nga ang umutot mag-sasalita siya na may kasamang mura at suicidal word."mariin na paliwanag ni Katsumi kay Lester at pinandidilatan ito ng mata para hindi na ito magtanong pa.



"Ha? Eh ano ba yang kasamang mura at suicidal word na iyan?"tanong ni Lester, Kanina pa siya nagtatanong kung ano ba 'yun.



"Taena! Kung sino man yung nagpasabog ng kababuyan na yan.. MAMATAY NA SIYA!"sigaw ni Katsumi sa sobrang asar niya kay Lester at maya-maya pa biglang..


*pururut*



"Pucha, Ang lakas!"sigaw ni Seth at napahawak sa ilong niya.



"ANG BAHO TENGENE!"react naman ni JC at tumayo palayo sa lugar na iyon.



"Punyemas sino umutot?!"sigaw ni DJ kasama si Kath na tinatakpan ang ilong nila.



"Pucha! Kung sino mang baboy ang nagpasabog mamatay na siya!"sigaw ni Kats sa kanila na napatayo habang hawak ang ilong niya.


Naiwang tulala si Lester, Wala naman siyang maamoy hindi rin siya ang umutot. So si Katsumi kaya ang umutot? Sino ba talaga ang umutot? Si Kats? Si Seth? o si JC? Sino?


After ng utot issue na sobrang lakas at hindi kinaya ng lahat ng tao sa loob ng bahay na iyon ay napagdesisyunan ng dalawang Lola na umuwi na dahil tumaas ang kanilang alta-presyon sa kabahuan ng utot.


Ang Barkada naman at ang ka-banda ni DJ ay kasalukuyang nasa Garden para magpalamig dahil may amoy pa sa living room. Mabuti na lang at nasa kwarto na ang kambal at tulog na. Ngayon ay nagsa-soundtrip ang ka-banda ni DJ at nagkwe-kwentuhan naman ang barkada ni DJ at Kath.



"Tagaktak na ang pawis ko~"kanta ni JC sabay pitik ng kanyang daliri.

"Hingal na hingal pa ko~"sinundan naman ni Seth na may kasama pang humming.

"Hindi ka pa rin lumalabas~"sumunod naman si Lester na marahan at malambing ang tono.

"Pagod na Pagod na ko-"kanta ni Kats at medyo napiyok pa siya sa "ko".


"Oh Kubeta!"sabay na sabay na kanta ng apat.


"Labasan nang sama ng loob~"
"Ohh" "Kubeta"

"Sa dami ng kinain ko, Constipation ata ito~"
"Wah" "Wah" "Ohh" " Diretso sa Kubeta"

"Oh Lester.. Itae mo na iyan~"
"Haw" "Haw" "Haw" "Diretso sa Kubeta"

"Oh Kats ilabas mo na iyan~"
"Haw" "Haw" "Haw" "Diretso sa Kubeta"

"Oh JC iire mo na iyan~"
"Haw" "Haw" "Haw" "Diretso sa Kubeta"

"Oh Seth.."



"Punyemas wala na kong maisip!"galit na sabi ni JC dahil naunahan na kasi siya sa mga appropriate words.



"Tumigil na nga kayo! Nakakasuka 'yang soundtrip niyo."sabi ni Kath sa apat habang nakatingin sa kanila na may tingin na pandidiri.



"Maganda na sana ang Harmonizing ng A capella niyo kaso nakakadiri yung lyrics."sabi naman ni Aria sa kanila at ngumiwi kay Kats pati na rin sa tatlo.



"Napansin ko lang bakit kanina pa kayo nag-uusap tungkol sa utot at tae? Yung totoo? Sino may LBM sa inyo?"nagtatakang tanong ni Julia sa kanilang apat at nagkatinginan naman ang apat sa sinabi ni Julia.



"Itanong mo sa buwan baka bigyan ka ng kasagutan."pambabara ni Katsumi kay Julia at sinamaan ng tingin ni Julia si Kats. To the rescue naman si Diego kay Julia.



"Ang tanong nagsasalita ba ang buwan?"resbak naman ni Diego kay Katsumi. Hindi nakapalag si Katsumi..



"BOOM BASAG!"sabi ni Khalil at pumalakpak pa sa tuwa niya.



"Hindi ako salamin para mabasag, Naka-salamin lang ako dahil cute ako."sabi ni Katsumi at nag-act ng cute habang itinataas ang salamin sa mata.



"Pero guys alam niyo nalulungkot talaga kaming apat."sabi ni JC at ngumuso pa na parang nagtatampo.



"Ha? Bakit?"takang tanong ng barkada nila DJ at Kath.



"Kasi kayo may lovelife kami wala.."naiiyak na sabi ni Lester na may tonong nasa Lucky Me. Alam niyo yun? Kung hindi click the media at the side.



"Gwapo naman kami.."sabi ni Seth at ngumawa na, Himapas pa ang gitara niya dahil sa forever alone sila.



"Talented din naman kami.. Huhuhu."tuloy pa ni Katsumi at bumuntong hininga si DJ na tinignan muna si Kath bago lapitan ang mga kabanda saka tinapik ito sa balikat.



"Ang tunay na kaibigan alam ang gagawin sa mga kaibigan niyang may masaklap na lovelife."paninimula ni DJ sa mga kabarkada niya habang tinatapik ang mga balikat nito pero pasimpleng asar sa mga kabanda niya. Napatingin naman ang apat kay DJ na parang mga naliligaw na tuta.



"Gusto niyong magpakulo ako ng tubig at kumain muna kayo ng Lucky Me? Para kayong yung bata sa commercial na nakita namin ni Kath nung nakaraan eh."sabi ni DJ at napa-pokerface naman si Lester dahil akala niya may chicks na ire-recommend sa kanila si DJ.



"Pero Guys walang halong biro."seryoso na sabi ni Seth at umayos ng upo.



"Kayo may mga anak na kayo, May asawa na kayo. Si Kath at DJ may paparating na baby at pangatlo na iyon."sabi naman ni Kats at bumuntong hininga.



"Pero kami? Nga-Nga! Tatanda ata kaming mga binata, Tsk! Sayang naman."sabi ni JC at ngumawa na silang apat.



"Eh hindi ba may Date with a Fan kayo? Baka sakaling doon niyo makilala ang True Love niyo."sabi ni Kiray sa kanila at nagtatango naman ang mga kabarkada ni DJ at Kath dahil naawa sila sa apat.



"True Love? Baka San Marino ang mahanap namin dun."naiiyak na sabi ni Lester kay Kiray at kumain ng tuna na wala naman kanina doon.



"Be positive, Walang aayaw! ALAXAN FR!"cheer naman ni EJ sabay taas ng kanang braso na naka-tight fist pa ang kamay.


Lumalalim na ang gabi kaya umalis na ang barkada at ang kabanda ni DJ. May Date rin kasi ang P5 except kay DJ sa mga Fans kumbaga Fan Service nila sa mga Parkers na patuloy sa pag-suporta sa kanila kahit na puro kalokohan lang ang dala nila.

SLH (The Special Book)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora