Special 16

13K 165 8
                                    

(Kath: Akin ka lang..)


Saturday ngayon kaya nasa Grocery si DJ at Kath. Si Kath ang naglalakad at kumukuha ng pagkain na ilalagay niya sa Cart habang si DJ ang nagtutulak ng Cart kapag mabigat naman ang kukunin tulad ng Jasmine Rice (sosyal sila pake niyo ba..), Flour, Wheat at Oatmeals na nasa malaking lalagyan ay si DJ ang kumukuha.

"DJ bibili lang ako ng Ketchup saka Hershey."sabi ni Kath at nag-sparkle ang mata niya habang nagsasalita siya kay DJ.

"Ketchup?! Hershey?! Nababaliw ka na ba Kath? Gusto mo bang iluwa ng buo ang Baby natin?"hindi makapaniwalang tanong ni DJ na nanlalaki pa ang mata kay Kath. Nung unang nagbuntis kasi si Kath sa kambal hindi naman siya kumakain ng mga weirdong pagkain.. Eto lang bago.

"Eh sa ayun yung gusto ni Baby, Anong magagawa ko?!"asar na sabi ni Kath sabay nguso. Wala namang nagawa si DJ dahil ang cute ng asawa niya saka pagbigyan naalala niya naglilihi pala eto.

"Sige bilisan mo lang ha dadalhin ko na ito sa Counter para isahan na lang magkita na lang tayo doon."sabi ni DJ at nginitian si Kath na umalis na para pumunta sa Chocolate Store. Napa-sigh na lang si DJ sabay tulak ng cart papuntang cashier.


Nang makarating si DJ sa Cashier ay ang lagkit ng tingin sa kanya ng babae. Napa-role eyes naman ang author niya dahil bakit ba ang daming babae ang nangangarandapa sa lalaking ito? Hindi ba pwedeng magbayad na lang siya sabay alis? Tsk!

"Oh, Sir lahat ng ito?"tanong ng babae na may halong seductive voice. Hindi naman pinansin ni DJ yung babae kasi nga busy si DJ sa paglingon at kakahintay kay Kath saka isa pa busy din siya sa paglagay ng mga kakailanganin nila sa bahay.

"Ha?"iyon na lang nasabi ni DJ hindi niya kasi narinig.

"Ang sabi ko po, Kung.. Inyo lahat ng ito."sabi niya at parang inaakit si DJ. Napa-simangot si DJ sa babaeng cashier. Lumingon si DJ bago ibalik ang tingin sa babae.

"Bakit miss may nakikita ka bang tao sa likuran ko at cart sa gilid ko?"tanong ni DJ sa cashier girl na mabilis na umiling at ginawa ang trabaho niya. Napahiya kasi siya kay DJ na ngayon ay kinuha ang phone niya para tawagan ang asawa niya.

"DJ sino kausap mo?"tanong ni Kath na sumulpot sa gilid ni DJ at may hawak na bote ng Del Monte Ketchup at Dalawang Bar ng Hersheys.

"Tatawagan sana kita kasi nakabili na pala tayo ng Ketchup."sabi ni DJ kay Kath at nainis naman ang Cashier girl kay Kath dahil bigla-bigla na lang itong sumusulpot, Nagulat kasi siya.

"Ganoon ba? Hayaan mo na. Nga pala tumawag si mama hihiramin ulit niya yung kambal."sabi ni Kath, Kapag ganyan naku tuwang-tuwa na si DJ.. Bakit? Wala siyang kaaagaw sa atensyon ng asawa niya eh.

"Talaga? Edi masosolo ulit kita?"bulong ni DJ kay Kath kaya naman sinamaan ni Kath ng tingin si DJ.

"DJ tigilan mo nga ako! Naka-isa ka na at homerun pa yun!"sabi ni Kath kay DJ if you know what Homerun means..

"Ehem! I said 2,563.89 po ang lahat."sabi ng Cashier na nginitian si DJ at inirapan naman si Kath.

"Bayaran mo na nga DJ ng maka-alis na tayo dito magpapa-check up tayo."sabi ni Kath tapos ngumiti naman si DJ sa kanya kasi nga titignan nila kung ano na itsura ng baby sa loob ni Kath kung nag-foform na ba pero obvious naman na hindi pa kasi 1 month palang halos buntis si Kath.


Nang maka-alis sila sa Grocery ay dumaan sila sa OB-Gyne at para ma-Ultra Sound si Kath habang si DJ naman nag-antay na lang sa labas kasi gusto ni DJ na may thrill sa baby, Lol.

SLH (The Special Book)Where stories live. Discover now